ANG pagkakaroon ng
bilbil ay maaaring maging dahilan ng iyong kamatayan, ayon sa pagsasaliksik.
Kung lagi tayong humaharap sa salamin at health conscious
tayo, siguradong ay agad nating mapapansin na lumalaki ang ating bilbil, kaya
naman kung ganoon ay agad tayong mag-eehersisyo para iyon ay maglaho. Ngunit,
may pagkakataon na hindi natin pinagkakaabalahang pansinin ang namumukol nating
bilbil lalo na’t ang paborito nating gawin ay kumain nang kumain.
Ngunit, hindi ba kung minsan ay mapapahinto ka na lang dahil
sumasama ang iyong pakiramdam. Hindi lang iyon dahil sa pagod kundi dahil
sa’yong bilbil. Sa ating artikulo natin ngayon ay nakasaan kung bakit may
dalang panganib an gating mga bilbil.
Kapag daw ang isang tao ay mayroong bilbil, malaki ang
tsansa niya na sumabog ang kanyang aorta, ang pinakamalaking blood vessel na
nasa ating katawan. Kaya naman kung
mapanganib ang sakit sa puso, strokes at diabetes, pinakamalupit namang sakit
ang abdominal aortic aneurysms. Katunayan ay 12,000 katao na ang namamatay sa UK
sanhi ng sakit na ito.
Madalas ay hindi natin napagtutuunan ng pansin an gating
bilbil dahil inaakala natin na ordinaryong tanawin lang iyon para sa matataba.
Maaari ngang ‘oo’ pero kung sa tingin mo ay napakalaki na ng iyong bilbil,
kailangan mo ng kabahan. Tandaan mo, ang aneurysms ay ang weak spots na nasa
paligid ng aorta, na siyang nagbibigay ng hangin para gumanda ang daloy ng dugo
para makapunta iyon sa puso at iba pang parte ng katawan.
Kaya huwag mong balewalain ang iyong tiyan. Hindi maaaring
papansinin mo lamang ito kapag kumakalam na ang iyong sikmura. Itanim mo
sa’yong isipan na ang tiyan ay para ring gulong ng sasakyan. Kung masyadong
mabigat ang nakasakay ay maaari itong pumutok at magkaroon ka ng catastrophic
internal bleeding. Ang pagkakaroon ng internal bleeding ay napakahirap ng
gamutin, kaya kailangang huwag mo na hayaang lumaki pa ng husto ang iyong
bilbil dahil baka manganib ang iyong buhay. Ang sakit na abdominal
aortic aneurysms ay hindi nagbibigay ng sintomas. Basta na lamang itong
sumasabog kaya maaaring hindi na makaligtas pa ang taong magkakaroon nito
Ikaw, nanaisin mo bang manganib ang iyong buhay?
Kung mahal mo ang iyong buhay at marami ka pang pangarap,
huwag mong pababayaan ang iyong sarili. Pirmi mong tatandaan na iisa
lamang ang buhay ng tao kaya kailangan mong pangalagaan ang iyong sarili para
hindi mo makaharap si kamatayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento