AYON sa
pagsasaliksik, ang taong nag-aalala parati, madaling ma-depress at madalas
magtangkang magpakamatay ay parating inaapi noong kabataan nila.
Hindi lahat ng bata ay behave, ito ang katotohanan na hindi
maitatatwa kahit pa sabihing ang mga batang ito ay nagmula sa kilala at
mayamang pamilya. Ilan kasi sa kanila ay pilyo at pilya. Sila ay iyong
tinatawag na spoiled brat. Tila siyang-siya sila kapag sila ay nakakapang-asar
.
Ikaw, mahilig ka bang manakit ng damdamin?
Kung ikaw ang tipo ay nakakaramdam ng kakaibang kasiyahan
kapag nakikitang may lumuluha, kailangan mong basahin ang artikulo na ito. Baka
sakaling makonsensiya ka kapag nalaman
mo ang nangyayari sa mga kabataan na madalas mong tudyuhin.
Ilang buwan na ang nakakalipas nang mabalitaan natin ang
isang teenager na pinatay ang ina at nagawa pang pumunta sa eskuwelahan para
patayin ang isang buong section ng kindergarten. Hindi rin niya pinatawad ang
guro at principal.
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang teenager na
ito ay naging biktima rin ng pambu-bully sa kanya noong kanyang kabataan.
Bagamat tinatanggap niya ang pang-aasar sa kanya ay hindi ibig sabihin ay okay
lang iyon sa kanya. Sabi nga ay maaaring maging pilat ang pangyayaring iyon.
Lilipas man ang mga taon ay hindi pa rin mabubura sa kanyang alaala ang mapait
na nakaraan.
Ah, mistulan iyong multo na laging nakasunod sa kanya. Kaya
naman sa oras ng kanyang pag-iisa ay maaaring manumbalik ang masasama niyang
pinagdaanan. Ang mga nabiktima ng pambu-bully ay iyong mga taong laging
inaalala nab aka mali
ang kanyang desisyon, madaling ma-depress kapag sila ay nabibigo at laging
naghahagilap ng mga pangkitil ng kabilang buhay.
Kung ang is among kapamilya ay ganito, kailangan lagi mo
siyang gabayan at ipadama sa kanya na mahalaga siya sa’yong buhay. Kung hindi
mo ito gagawin ay baka isang araw ay malaman mo na lamang na sira na ang
kanyang buhay at marami na rin siyang buhay na nasira.
Sa naging pag-aaral nga sa US ay napagtanto na ang mga
binu-bully ay nagkakaroon ng masama o matinding epekto sa kanilang pag-iisip.
Bagamat mayroon nga autism ang teenager na kumitil ng maraming buhay, tiyak pa
rin na isa sa dahilan kaya siya nagkaganoon ay dahil sa mapapait niyang karanasan
noong kanyang kabataan. Maaaring inisip niya ng mga sandaling iyon na ang mga
batang kanyang pinatay ay ang mga umaapi sa kanya noong bata pa lamang siya.
Kung ikaw ang tipo ng tao na mahilig mang-asar, makakaya mo
bang tanggapin na ang batang inaasar o inaapi mo noon ay magiging ganito ang
buhay? Magagawa mo bang matahimik kapag nalaman mong may mga inosenteng nadamay
dahil sa’yong kagagawan.
Kay asana, bago ka manakit ng damdamin, ay mag-isip ka muna
ng maraming beses. Dahil mahirap kalaban ang konsensiya. Baka dumating ang araw
ay hindi ka niya patahimikin dahil sa mga kasamaang iyong nagawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento