PAG-sign up sa
Facebook ang makabagong paraan para hindi maging ulyanin, ayon sa pag-aaral.
Kung ibig mong magkaroon ng honor, kailangan mong mag-aral
ng mabuti. Ang mga libro ay kailangang gamitin para magkaroon ka ng matalas na
isipan. Kung pababayaan mo lamang na nakatambak sa isang sulok ang iyong mga
libro, nakatitiyak ako na maluluma lamang ‘yan at pupurol ang iyong utak.
Hindi mo naman siguro nanaising mangyari iyon sa’yo, ano?
Kungganoon, kailangan mong laging ehersisyo ang iyong utak
para hindi ka maakusahang bobo. Pero, kahit na ang mga matatalinong tao ay
nagiging makakalimutin din kapag sila ay
tumanda na.
Ang lolo at lola natin ay kalimitan nating tinatawag na
ulyanin dahil marami na siyang bagay na nakakalimutan. Kung minsan nga, pati
ang ginagawa nila ng araw na iyon ay agad na nilang nakakalimutan. Kung alam
natin na may pagkaulyanin na ang matatandang kasama natin ay nakararamdam tayo
ng pangamba. Alam kasi nating na maaaring kapag iniwan natin ang tingin sa kanila
ay maaaring mawala sila. Kung maiisipan kasi nila na maglakad nang maglakad ay
may tendensiya na maligaw sila pagkaraan. Kapag inatake kasi sila ng pagiging
ulyanin, hindi na nila matatandaan ang tamang daan pabalik.
Gusto mo ba itong mangyari sa’yong lolo at lola, nanay at
tatay, o kung sinumang kasama mong matanda. Sigurado akong ‘hindi’ ang isasagot
mo. Kung mahal mo kasi sila ay hindi mo nanaising sila ay mapahamak. Kaya naman
kailangan mong gumawa ng paraan para hindi sila maging ulyanin.
Noon, sinasabi ng mga mananaliksik na ang paglalaro ng
crossword, scrabble at video games ay nakatutulong para magkaroon ng matalas na
isipan ang matatanda. Sa pamamagitan nito ay hindi na tayo mag-aalala pa.
Nguniot, sa makabagong panahon natin ay sinasabi na ang
pagsa-sign up sa Facebook ay mabisa ring paraan para hind imaging ulyanin ang
mga mahal natin.
Sabi nga ng mga scientist sa University of Arizona, ang mga
nasa edad 65 pataas na gumagamit ng social networking site tulad ng FB ay mas
okay ang memorya kaysa sa mga taong nagre-research lang sa Internet o hindi
talaga gumagamit nito. Katunayan nga, ang matatas ang kanilang cognitive test.
Kaya naman masasabing ang pagla-like, pagku-comment at pagsi-share nila ay
nakatutulong upang maging okay ang kanilang memorya.
O, igawa mo na ng facebook account sina granny. Sa
pamamagitan nito ay naa-update sila ng husto kung ano ang nangyayari sa
kanilang paligid. Sa pamamagitan noon ay gumagana na ang kanilang utak. Sabi
nga, kapag ang isang bagay ay nagagamit ng husto ay hindi ito kinakalawang.
Tulad ng utak, kapag laging nag-iisip ay hindi makakalimot.
O, gawan mo na ng FB account sina lolo at lola.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento