SA pamamagitan ng
blood transfusion ay magagawan nating mailigtas ang buhay ng ating kapwa.
Ngunit, sa istorya natin ngayon ay mapagtatanto natin na maging ang aso pala ay
magagawa ring iligtas ang buhay ng isa pang aso na nasa bingit ng panganib.
Bukod sa ating pamilya, ang tunay na kaibigan natin ay ang
taong handang dumamay sa ating pagdurusa. Kung ikaw ay labis na nagdaramdam at
namimighati, sila ang magiging takbuhan mo, anuman ang mangyari. Sa artikulo
natin ngayon, nakamamangha na maging ang isang aso ay magagawang isalba ang
buhay ng kanyang BFF na aso rin.
Sabihin man na wala namang magagawa ang aso kung ibig talaga
ng tao na kuhanan siya ng dugo para isalin sa isa pang aso. Ngunit, kailangan
mo ring tandaan na hindi lahat ng aso ay laging behave lalo na at masasaktan mo
siya. Ngunit naging napakaamo ng isang pitbull terrier nu’ng kinukuhanan siya
ng dugo para ibigay kay Sissy, ang 18 year old Mongrel, na na-diagnose na may anemia
kaya kinakailangan niyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon.
Alam natin na kung ang mga pitbull ay mababagsik kaya naman
masasabing ibig talagang iligtas ng pitbull na si Sandy si
Sissy dahil naging napakaamo nito ng oras na iyon. Ni hindi nga raw ito
nagpakita ng pangil o umangil para iparamdam na nasasaktan ito o kontra ito sa
ginagawa ng beterinaro.
Ayon sa amo nina Sandy at
Sissy na si Omar Mozzi, taga Pagazzano , Italy , sina Sandy at Sissy ay matalik na
magkaibigan. Lagi silang magkasama at magkalaro. Kaya naman noong magkaroon ng
sakit si Sissy ay lagi ng matamlay si Sandy . Damang-dama niya na ang kanyang
matalik na kaibigan ay naghihirap.
Nang suriin kasi si Sandy ay
lumabas na mayroon itong anemia, maaari lang itong maisalba kung masasalinan
ito ng dugo. Bagamat magkaiba ang lahi nina Sandy at
Sissy ay magkatipo naman ang kanilang dugo kaya naman nagawang maisalba ang
buhay ni Sandy pagkaraan.
Ang beterinaryo na si Flavio Colombo Giardinelli ay
labis na namangha sa pagkakaibigan na ipinakita ng dalawang aso.
Ikaw, ganito ba ang iyong mga alaga?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento