36-26-36. Ang perpektong vital statistic ng isang babae. Kaya
naman kung mayroon kang ganitong katawan, siguradong hindi lang isang lalaki
ang sisipol sa’yo. Samantalang kung ikaw naman ay walang ginawa kundi ang
kumain, siguradong siguradong tataba ka nang tataba. Hanggang sa hindi ka na
halos makahinga.
Ikaw, mataba ka ba?
Kung ikaw ay papayat, baka sakaling matupad ang pangarap
mong matagpuan ang iyong Prince Charming. O, nais mo bang mangyari iyon?
Tandaan mo, ang type ng mga lalaki ay iyong may magandang pangangatawan.
Alam mo bang bukod sa magkakaroon ka ng magandang
pangangatawan kapag nag-ehersisyo ka ay
may maganda rin idudulot sa’yo ang pag-eehersisyo. Sa pamamagitan noon ay tatalas ang iyong memorya.
Sabi nga ng mga scientist, nag-i-improve ang memory ng isang
mataba kapag siya ay pumayat. Marami na siyang mga bagay na madaling maalala.
Ang mga mananaliksik sa Umea
University na matatagpuan sa Sweden
ay kumuha ng 20 overweight, post menapousal woman , na nagdieta sa loob ng anim
na buwan. Doon ay kinumpirma nila na ang
memorya nila ay tumalas. Madali na nilang natatandaan ang mga importanteng
bagay na dati’y madali nilang nakakaligtaan.
Ikaw, okay ba ay
mataba?
Gusto mo bang maging makakalimutin?
Kung ayaw mo, maiging magdiyeta ka na.
Ito naman ay labis na makakatulong sa’yo, hindi lang dahil
magkakaroon ka ng magandang katawan kundi dahil sa tatalas ang memorya mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento