AYON sa
pagsasaliksikng Finnish researchers, ang pag-inom ng Vitamin C ay nagiging
epektibo lang sa isang tao kung sasamahan niya ito ng pag-eehersisyo.
Alam na alam natin na ang Vitamin C ay nakakatulong sa ating
upang magkaroon tayo ng malakas na pangangatawan. Sabi nga, sa pamamagitan nito
ay hindi tayo magkakasakit. Kailangan nating
hindi sipunin dahil kapag inatake tayo ng sipon, siguradong magiging
masama na an gating pakiramdam.
Ikaw, lagi ka bang umiinom ng orange juice? Nagti-take ka
ban g multi-vitamins? Feeling mo ba ay malakas na ang iyong pakiramdam?
Kung inaakala mo na okay na okay ka na dahil sa lagi kang
umiinom ng orange juice at vitamins, ay magkakaroon ka na ng okay na pakiramdam
parati, nagkakamali ka. Sa aking pagsasaliksik kasi ay napagtanto ko na
epektibo lang pala sa tao ang paginom o pagkain ng pagkain na may vitamin C
kapag siya ay nag-eehersisyo.
Ikaw, mahilig ka bang kumain ng mga pagkain na masagana sa
vitamin C at parati ka bang nagbi-Vitamis. Kungganoon ay masasabi mo nga kung
epektibo sa’yo ang pag-inom nito. Ngunit, kung sa tingin mo ay hindi ka
nakakapag-ehersisyo, kahit ano pa ang kain mo ng mga pagkaing may Vitamin C ay
hindi nagiging malakas ang iyong pangangatawan. Feeling mo nga kung minsan ay hinang hina ka.
Ang dahilan ay hindi napapagpag ng husto ang iyong katawan.
Ang mga cholesterol ay nakaimbak lamang sa’yong katawan. Kaya naman sa
pag-aaral ay napagtanto na mas masigla ang katawan ng mga bata kaysa sa mga
matatanda na nagti-take ng vitamin C.
Kung ang matanda kasi ay sobrng busy sa kanyang trabaho ay
hindi na siya nagkakaroon ng panahon para mag-ehersisyo. Samantalang ang bata
naman ay parating nag-eehersisyo dahil gusto nilang laging kumilos. Mahilig
silang maglaro at sumali sa kung anu-anong aktibidad.
O, parati ka bang kumakain ng mga may vitamin C at umiinom
ng multi-vitamins. Sana
ay sabayan mo na rin ng ehersisyo para talagang maging okay ang iyong
pakiramdam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento