AYON sa matinding
pagsasaliksik, ang mga babaeng sumasailalim sa intimate beauty treatments ay
dahilan kaya hindi sila magkaanak o kaya naman ay malaglag ang kanilang
dinadala.
Sa katunayan nga ay uso na ang bikini waxing. Sa pamamagitan
nito ay magagawa mo ng maisuot ang iyong paboritong bathing suit, two piece man
o one piece ay siguradong taas noo ka pa ring makapaglalakad ng walang
pag-aalinlangan. Sa pamamagitan kasi nito ay para ka na ring nagpa-facial.
Makinis na makinis na ang iyong keps. Sisiguraduhin kasi nitong naahit na iyon
ng todo at walang masangsang na amoy na lalabas buhat sa’yong private area.
O, nagawa mo na bang magpa-bikini waxing?
Gayunman, kailangan mong malaman na lahat ng bagay ay
mayroong advantage at disadvantage. Sa aking pagsasaliksik ay napag-alaman ko
na may masamang idudulot ito sa ating buhay lalo na doon sa mga nais maging ina
at sa mga nagdadalan-tao. Sa aking pagsasalik ay napag-alaman ko na kapag
nagpa-bikini waxing ka ay maaari kang magkaroon ng Bacterial vaginosis
(BV). Nakakalungkot lamang sabihin na kapag nagkaroon ka ng BV ay maaaring
magkaroon ka ng fertility problems. Maaaring magkadiprensiya ka sa matris kaya
hindi ka na magbubuntis, makukunan ka at maaari kang magkaroon ng sexually
transmitted disease.
Maari nga kasing may kagandahan na maidudulot ito sa mga
babae ngunit dahil nga hindi naman natin alam kung malinis talaga ang mga
kagamitan na gagamitin sa sinumang magpapa-bikini waxing ay maaari kang makakuha
ng kung bacteria na makapagdudulot sa atin ng kung anu-anong karamdaman.
Kaya kung magpapa-bikini waxing ka, maaari bang pag-isipan
mo munang mabuti? Kailangan kasing makasiguro ka na matagumpay iyon at hindi ka
magkakaroon ng diprensiya dahil sa huli walang ibang magiging kawawa kundi ikaw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento