Sabado, Agosto 31, 2013

DRYER, SANHI NG KARAMDAMAN AT IMPEKSYON

AYON sa aking pagsasaliksik, mas okay gamitin ang paper towels kaysa sa dryer.
Kung magpupunta tayo sa mall, restaurant o anumang establisyemento, ang dryer at paper towels ang agad natin makikita sa CR. Obviously, ang layunin nito ay upang mapatuyo ang basa natin mga kamay.
Ikaw, ano ang gagamitin o kukunin mo kapag basa ang iyong kamay?
Para sa mga kabataan, mas nakaka-enjoy kung itatapat mo ang iyong kamay sa dryer dahil magagawa mong maramdaman ang ibinubuga niyang init. Dahil doon ay makikita mo pang unti-unting natutuwa ang basa mong kamay.
Amazing! Ang katagang ito pa ang siguradong ibubulalas ng kabataan. Feeling kasi nila ay may magic na nangyari kaya bigla iyong natuyo.
Kahit na mas marami ang gumagamit ng dryer, kailangan pa rin nilang mapagtanto na ang paggamit ng paper towel o tissue paper ay mas mainam kaysa sa paggamit ng dryer, ayon sa aking pagsasaliksik. Ang dahilan, mas matatanggal ang germs na nakakapit pa sa kanyang kamay.
Kung minsan, kahit na nahugasan at nasabon na natin ang ating kamay, hindi pa rin sapat na dahilan ito para matanggal ang lahat ng germs. KUmbaga, mayroon pang germs na hindi pa nadudulas ng husto. Kaya kung hindi gagamitan ng paper towel o tissue paper ang ating kamay, hindi siya tuluyang mawawala.
Kung ang dryer lang ang ating gagamitin ay possible pang siya ay makakapit ng husto at maging simula para ikaw ay dapuan ng karamdaman. Siguro naman ay alam mong kapag ang kamay mong mayroon pang bacteria ay isinubo mo, maaari kang magkasakit.
“Sa pamamagitan ng dryer, maaari pang tumaas ang 255 percent ang pagdaluhong ng germs sa’yong kamay,” wika ni Keith Redway, senior academic sa Microbiology and Molecular Biology sa Westminister University.
O, nanaisin mo bang magkaroon ng karamdaman? Tiyak kong sasabihin mong ‘hindi’, kaya maigi pang ugaliin mo ang paggamit ng paper towel.
Sabi nga ng biomedical scientist na si Cunrui Huang, mas kumakapit ang mikrobyo kapag basa ang kamay. Kaya, kailangang ugaliin na magpupunas ng kamay kapag basa.
Kung minsan pa nga raw, maaari ka pang magkaroon ng impeksyon kapag dryer ang ginamit mo. Kung ang kamay mo ay mayroong sugat, kahit gaano kaliit, maaari ‘yang pasukan ng bakterya kung itatapat mo lang ‘yan sa dryer.
O, anong gagamitin mo, dryer o paper towel?







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...