AYON sa pag-aaral,
ang empleyado na nasa tabi ng bintana ay mas alerto at masayahin kaysa sa nasa
gitnang bahagi ng opisina.
Importante sa bawat empleyado na ituon ang kanyang 100% sa
pagtatrabaho. Posible kasing kapag
nawala ang atensyon niya rito ay pumalpak na rin ang kanyang trabaho. Kung
mangyayari iyon ay maaari ring mawala
ang tiwala ni bossing. Kaya, kailangan
mong mahalin ng todo ang iyong trabaho.
Paano mo nga ba ito magagawa?
Sapat na nga ba iyong nakatuon ka palagi sa’yong ginagawa?
Hindi.
Importante rin siyempre na marunong kang makisama. Kung
hindi ka man lang ngumingiti sa mga kasamahan mo sa trabaho, siguradong
kaiinisan ka nila. Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na may kinalaman din
pala ang puwesto mo sa’yong opisina. Kung ikaw daw ay nakaupo sa may bintana ay
mas masayahin ka at mas alerto kumpara sa mga co-employees mo na nakapuwesto sa
gitnang bahagi ng inyong opisina. Kalimitan nga sa mga nakaupo sa gitnang
bahagi ng opisina ay laging nakasimangot at hindi kumikibo.
Alam mo ba ang dahilan nu’n?
Ang mga nakapuwesto sa gitnang bahagi ng opisina ay laging
nakatuon sa kanyang computer kaya
kadalasan ay nananakit ang kanilang mata at ulo dahil sa radiation. Ang
liwanag lang na nakukuha nila ay nagmumula sa ilaw samantalang ang mga nakaupo
naman sa gawing bintana ay natatamaan ng init na nagmumula sa sinag ng araw. Sa
aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na kapag naaarawan ka ay nakakatulog ka ng
mahimbing, gaganda ang iyong mood at ang bawat ginagawa mo ay sisikapin mong
maging ‘the best’. Kung maganda ang iyong mood, sigurado ako na makukuha mo
pang makipagkuwentuhan sa mga kaibigan mo kapag breaktime. Samantalang ang nasa
gitnang bahagi ng inyong opisina ay wala halos sa mood dahil hirap silang
makatulog sa gabi dahil artificial light lang ang tumatama sa kanya. At labis
din iyong nakakaapekto sa kanyang trabaho at pakikisama, kalimitan kasi sa mga
taong wala lagi sa mood ay mahirap biruin kaya pirming iniiwasan.
Sabi nga ng Oxford
University neuroscientist
na si Russell Foster, ang tao ay nagkakaroon ng happy hormone kapag siya ay
nasinagan ng araw.
Sa mga pumapasok sa opisina, hindi na sila halos tinatamaan
ng init ng araw dahil karaniwang alas-otso ang kanilang pasok. Kung malayo ang
kanilang bahay sa kanilang opisina, siguradong maagang-maaga ang kanilang
biyahe kaya bago pumutok ang araw ay nasa loob na sila ng kompanya na kanilang
pinagtatrabahuhan. Sabi nga sa mga pag-aaral, maganda sa katawan ng tao ang
pang-umagang init ng araw. Kung kahit katiting ay hindi na sila nasisinagan ng
init ng araw, tiyak na mahihirapan din silang makatulog.
Hirap ka bang makatulog? Subukan mong maglakad ka ng kahit
kalahating oras sa umaga para matamaan ka ng init ng araw. Iyon nga lang,
papayag ba si bosing na ma-late ka?
Kaya, masasabing, napakalaki ng advantage na nakapuwesto ka
tabi ng bintana.
O, saan ka ba nakapuwesto?
Sorry marami na akong work online. Bigyan kita, like mo?
TumugonBurahin