AYON sa aking
pagsasaliksik, ang pagtatrabaho ay
nakakataba.
O, sobra-sobra ba ang dedikasyon mo sa’yong trabaho? Aba , kahanga-hanga naman
talaga kung ganu’n ka. Ngunit, bago ka magtrabaho nang magtrabaho kailangan
kong ipaalam sa’yo ang isang katotohanan, ayon sa mga mananaliksik. Ang mga
regular employee ay mas tumataba kaysa sa mga freelancer.
Ang mga freelancer ay walang boss na kailangang sundin
palagi. Sarili nila ang kanilang oras kaya naman mas nagagawa nilang gawin ang
anuman ang kanilang naisin. Samantalang ang mga nagtatrabaho sa isang kompanya
ay malaki ang tsansa na tumaba nang husto dahil ang oras nila ay naiibos sa
pagtatrabaho. Palagi lang silang nakaupo. Kung minsan nga ay hindi na sila
halos tumatayo. Ang importante lang sa kanila ay may laman ang kanilang
sikmura. Kaya madalas ay makikita mong may
nakahain sa kanilang harapan. Kadalasan nga ay puro lang sitsirya ang
makikita mong naroroon.
Sa pagsasaliksik nga ay napagtanto na ang pagkain ng
sitsirya ay nakakataba kaya naman kung lagi silang kumakain noon, tataba sila
nang tataba hanggang sa maging lumba-lumba na sila. Kung ang isang tao naman ay
freelancer lang ay magagawa pa niyang makapagluto o makakain ng masustansiyang
pagkain dahil may panahon silang gawin iyon.
Bukod pa roon ang mga empleyado ay kalasang dinadalha din ng
kung anu-anong pagkain mula sa kanilang kasamahan, boss o kliyente. Kaya naman
kahit nakakaramdam pa sila ng kabusugan ay napipilit pa rin silang kumain. Sabi
nga, mahirap tumanggi sa grasya.
O, isa ka bang empleyado? Tingnan mo nga kung tumataba kang
talaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento