SABI ng mga mananaliksik, ang mga matatabang mommy
na sumailalim sa weight loss surgery o nagpahigop ng taba ay magkakaroon ng
anak na payat.
Kung ano ang puno ay siya
rin ang bunga, ito ang madalas sabihin ng marami. Kaya naman kung makikita ng
isang tao ang bata ay agad na siyang magkakaideya kung ano nga ba ang kanyang
ina. Kung ang mommy ng isang bata ay dating mataba, ang agad na iisipin ng
marami ay magiging mataba rin siya.
Yes, maaari ngang totoo ito
ngunit kailangan pa rin nating isipin na hindi naman lahat ay mamamana ng tao
sa kanyang mommy, maaari naman kasing makaligtas siya dahil siya ay nagmana sa
payat niyang daddy.
Ikaw, mommy, mataba ka ba?
Huwag kang
mag-alala mommy, kahit na noong kabataan mo ay matabang-mataba ka, hindi pa rin
nangangahulugan na magkakaroon ka ng matabang anak. Maaari naman talagang hindi
ka magkaroon ng matabang anak lalo pa’t ikaw ay nagpasipsip ng taba.
Sabi kasi ng
mga eksperto ay hindi na magkakaroon ng matabang anak ang mommy na nagpasipsip
ng taba, paano’y naapektuhan ng husto ang kanyang genes noong sumailalim siya
sa ganitong klaseng surgery.
Ito ang dahilan
kaya naman kahit naging matabang-mataba ang ina noon ay hindi ito namana ng
kanyang anak. Kaya naman kung iyong titingnan ay mayroong magkakapatid na tila
hindi pare-pareho ang sukat. Mayroong mata at mayroon namang payat na payat.
Nagawa na kasing maapektuhan ang kanyang dugo. Kumbaga, iba na ang timpla niya
dahil nagawa ng mahigop ang taba ng ina niya noong ito ay sumailalim sa
pagpapapayat.
Ang mga
matatabang mommy ay mayroong mataas na sugar sa kanilang katawan kaya naman
kung mataba siya habang siya ay nagbubuntis ay maaaring maging obese din ang
kanilang anak. Ngunit, hindi na ito mangyayari sa’yong baby kung nagawa mo ng
pagpa weight loss surgery.
O, mataba ka
ba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento