Linggo, Agosto 11, 2013

LABIS NA PAG-INOM NG KAPE, BAD KAY BABY

AYON sa pag-aaral, ang mga nag-dadalang-tao na umiinom ng higit sa dalawang tasang kape kada araw ay nagkakaroon ng maliit na babae.
Coffee Break, kalimitang wika ng mga empleyado kapag tumunog  ang  company bell ng alas-diez ng umaga o alas-tres ng hapon. Gaano man sila ka-busy ay humihinto sila sa pagtatrabaho upang makapag-relax at para rin makahigop ng mainit na kape. Sa pamamagitan kasi nito, pakiramdam nila ay nagkakaroon sila ng lakas upang mas lalo silang ganahan sa pagtatrabaho. Ang pag-inom ng kape ay isa ring paraan para hindi ka antukin. Kung minsan kasi ay napakasarap matulog lalo na kung nakatapat pa sa’yo ang aircon. Mabuti na lamang at mayroon kang hinihigop na kape upang malabanan mo ang antok na iyong nararamdaman.
Kung mayroong mabuting dulot ang pagkakape sa ating katawan, mayroon din naman itong negatibong ibinibigay sa atin tulad na lang ng kapag madalas tayong uminom ng kape ay  madali tayong nerbiyusin. Kaya naman kapag nagiging magugulatin tayo, ang laging sinasabi sa atin ng mga nakakakita ay ‘Siguro madalas kang uminom ng kape.’
Kahit nga minsan ay pinipigilan na rin natin na madalas na uminom nito. Ngunit, kung nasanay ka na na magkape palagi parang nakakaramdam ka ng pangangasim kapag lumilipas ang maghapon na hindi ka umiinom nito.
Mahilig ka bang magkape?
Kung ikaw ay nagdadalang-tao, kailangan mong awatin ang sarili mo sa pag-inom ng kape lalo na kung ikaw ang tipo na lagpas sa dalawang tasang kape kung magtimpla sa isang araw. Maaapektuhan kasi ang iyong dinadala. Sabi nga sa pagsasaliksik, maaaring maging napakaliit ng sanggol na isisilang kung ang ina niya ay mahilig uminom ng kape. Bukod doon ay mahihirapan pa siyang manganak.
Ito ang obserbasyon ng mga mananaliksik sa Norway na nagbigay ng kanilang atensyon para pag-aralan ng husto ang 60,000 na buntis. Kailangan kasi nilang mapagtanto kung bakit may mga babae na nahihirapang manganak at nagkakaroon ng maliit na baby kahit ang mag-asawa naman ay matatangkad.
Sabi nga ng mga nagdadalang-tao na umiinom ng kape na mayroong 200 to 300mg ay maaaring magkaroon ng maliit na anak.
Sabi pa ng mananaliksik na si Dr Verena Sengpiel ng Sahlgrenska University Hospital sa Sweden, ang caffeine daw ay makakaapekto ng husto sa paglaki ng  fetus dahil hindi nila  agad nasasagap ang nutrisyon dahil sa mabagal na pagdaloy nito patungo sa placenta.  Dahil din daw sa labis na pag-inom ng kape ay maaaring tumagal pa ng ilang oras ang pagli-labor.
O, gugustuhin mo pa bang mangyari ito sa’yo?
Hindi bam as okay na huwag ka ng masyadong uminom ng kape kung ikaw ay nagdadalang-tao. Alalahanin mo, kung sosobrahan mo ang pag-inom ngayon, hindi lang ikaw ang mahihirapan, maging ang iyong anak. Alalahanin mo, maraming maaaring mangyari sa’yong magiging sanggol kapag matagal siyang mailuwal.

Kaya, maigi pang, awatin mo ang iyong sarili sa labis na pag-inom ng kape kung ikaw ay nagdadalang-tao.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...