AYON sa pag-aaral,
kapag ang bata pa lang ay sanay ng kumain ng isda, maaaring hindi siya
magkaroon ng allergy sa kanyang pagtanda.
Mahal na mahal ng mga magulang ang kanilang anak kaya naman
lahat ng kanilang gusto ay ating ibinibigay. Mga laruan at magagandang
kagamitan. Pakiwari natin sa pamamagitan ng mga ito ay masasabi natin sa kanila
na mahal na mahal natin sila. Subalit, kailangan mo ring tandaan na kung mahal
mo sila ay ipapamulat mo rin sa kanila kung ano ang makabubuti para sa kanila. Para higit mong maintindihan ang aking sinasabi,
kailangan mong basahin ang artikulo na ito.
Hindi dapat laging sanayin ang bata sa masasarap na pagkain
ngunit wala namang makukuhang sustansiya. Samantalang kung sa murang edad pa
lang niya, 1 taon o 10 months, maiging masanay na siyang kumain ng isda para
hindi na niya itong tanggihan pagsapit niya ng
3 gulang pataas.
Kung masasanay siya sa pagkain ng cake, french fries,
chicken o kung anu-ano pang masasarap na pagkain, malaki ang posibilidad na
iluwa lang niya ang isda kapag ito ay kanyang nalasahan. Alam naman kasi natin
n a hindi iyon gaanong kasarapan pero marami naman tayong sustansiya na
makukuha sa pagkain nito.
Sa akin ngang pagsasaliksik ay napagtanto ko na kapag ang
bata ay nasanay agad kumain ng isda bago tumuntong ang ika-1 niyang kaarawan ay
malaki ang tsansa na hindi na siya magkakaroon ng allergy. Sabi pa nga ng mga
scientist na ang mga batang nasa edad 12 ay hindi nagkakaroon ng allergies ay
sanay kumain ng isda noong 1 taong gulang sila. Kung magkakaroon man sila ng
eczema o hay fever, sobrang liit ang tsansa na iyon.
Kaya talagang kailangan nating sanayin ang bata na kumain ng
isda, upang hindi siya magkaroon ng allergy sa kanyang paglaki.
Kung magkakaroon kasi siya ng allergy, tiyak na makararamdam
tayo ng awa sa kanila dahil makikita natin na may pantal-pantal na tutubo sa
kanilang katawan. Makakaramdam pa sila ng pangangati.
Makakaya mo bang makita na naghihirap ang iyong anak?
Kung ayaw mo, aba, kailangan ay sanayin mo siyang kumain ng
isda. Tingnan mo lang mabuti ang kanyang kakainin dahil baka may tinik na
maligaw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento