Sabado, Agosto 31, 2013

MGA NAKAPUWESTO SA GAWING BINTANA, MAS ALERTO AT MASAYAHIN

AYON sa pag-aaral, ang empleyado na nasa tabi ng bintana ay mas alerto at masayahin kaysa sa nasa gitnang bahagi ng opisina.
Importante sa bawat empleyado na ituon ang kanyang 100% sa pagtatrabaho.  Posible kasing kapag nawala ang atensyon niya rito ay pumalpak na rin ang kanyang trabaho. Kung mangyayari iyon ay maaari ring  mawala ang tiwala ni bossing.  Kaya, kailangan mong mahalin ng todo ang iyong trabaho.
Paano mo nga ba ito magagawa?
Sapat na nga ba iyong nakatuon ka palagi sa’yong ginagawa?
Hindi.
Importante rin siyempre na marunong kang makisama. Kung hindi ka man lang ngumingiti sa mga kasamahan mo sa trabaho, siguradong kaiinisan ka nila. Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na may kinalaman din pala ang puwesto mo sa’yong opisina. Kung ikaw daw ay nakaupo sa may bintana ay mas masayahin ka at mas alerto kumpara sa mga co-employees mo na nakapuwesto sa gitnang bahagi ng inyong opisina. Kalimitan nga sa mga nakaupo sa gitnang bahagi ng opisina ay laging nakasimangot at hindi kumikibo.
Alam mo ba ang dahilan nu’n?
Ang mga nakapuwesto sa gitnang bahagi ng opisina ay laging nakatuon sa kanyang computer kaya  kadalasan ay nananakit ang kanilang mata at ulo dahil sa radiation. Ang liwanag lang na nakukuha nila ay nagmumula sa ilaw samantalang ang mga nakaupo naman sa gawing bintana ay natatamaan ng init na nagmumula sa sinag ng araw. Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na kapag naaarawan ka ay nakakatulog ka ng mahimbing, gaganda ang iyong mood at ang bawat ginagawa mo ay sisikapin mong maging ‘the best’. Kung maganda ang iyong mood, sigurado ako na makukuha mo pang makipagkuwentuhan sa mga kaibigan mo kapag breaktime. Samantalang ang nasa gitnang bahagi ng inyong opisina ay wala halos sa mood dahil hirap silang makatulog sa gabi dahil artificial light lang ang tumatama sa kanya. At labis din iyong nakakaapekto sa kanyang trabaho at pakikisama, kalimitan kasi sa mga taong wala lagi sa mood ay mahirap biruin kaya pirming iniiwasan.
Sabi nga ng Oxford University neuroscientist na si Russell Foster, ang tao ay nagkakaroon ng happy hormone kapag siya ay nasinagan ng araw.
Sa mga pumapasok sa opisina, hindi na sila halos tinatamaan ng init ng araw dahil karaniwang alas-otso ang kanilang pasok. Kung malayo ang kanilang bahay sa kanilang opisina, siguradong maagang-maaga ang kanilang biyahe kaya bago pumutok ang araw ay nasa loob na sila ng kompanya na kanilang pinagtatrabahuhan. Sabi nga sa mga pag-aaral, maganda sa katawan ng tao ang pang-umagang init ng araw. Kung kahit katiting ay hindi na sila nasisinagan ng init ng araw, tiyak na mahihirapan din silang makatulog.
Hirap ka bang makatulog? Subukan mong maglakad ka ng kahit kalahating oras sa umaga para matamaan ka ng init ng araw. Iyon nga lang, papayag ba si bosing na ma-late ka?
Kaya, masasabing, napakalaki ng advantage na nakapuwesto ka tabi ng bintana.
O, saan ka ba nakapuwesto?


1 komento:

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...