AYON sa
pagsasaliksik, ang mga alagang hayop ay maaaring magkaroon ng cancer dahil sa
paninigarilyo ng kanyang amo.
Alam natin na ang paninigarilyo ay masama sa ating kalusugan
ngunit kahit anong awat ang gawin ng mga tao sa kanilang paligid, hindi ito magawang tigilan ng iba.
Pakiramdam nila ay kulang na kulang ang
kanilang araw kapag hindi hindi siya nakakahithit ng sigarilyo.
Ikaw, mahilig ka bang manigarilyo?
Siguro naman ay alam mong, hindi lamang ang kalusugan mo ang
nasisira, maging ang mga tao na nasa iyong paligid? At sa aking pagsasaliksik,
napagtanto ko na kahit pala ang hayop ay maaaring magkasakit kung
nanionigarilyo ang kanyang amo.
Alam na alam natin na ang aso ay ‘man’s bestfriend’ kaya
lagi itong nasa tabi ng amo at ang mga pusa naman ay laging nakakandong o nasa
paanan ng kanyang amo kaya hindi posibleng nagagawa niyang langhapin ang usok
na nagmumula sa kanyang sigarilyo.
Kung minsan, kahit may sigarilyo na hinihithit ang amo,
nagagawa pa rin niyang kargahin at lambingin ang kanyang alaga. Hey, kahit
naman hayop ‘yan ay mayroon din silang ulong at baga. Maaari rin silang
magkaroon ng lung cancer. Sabi nga, kapag mas maliit ang hayop ay mas sensitibo
sila sa usok.
Sa pag-aral nga ng Tufts
University na matatagpuan sa U.S. ,
ang pusa na naninirahan sa mga chain smoker ay nagkaroon ng feline lymphoma,
isa itong cancer sa dugo at immune system.
Ang usok kasi ng sigarilyo ay kumakapit sa balahibo ng hayop
kaya kahit na hindi mo na siya karga ay malaki ang posibilidad na hikain siya
roon o kung hindi naman ay magkaroon siya ng iba pang sakit. Kaya sana , pangalagaan mo ng
husto ang iyong alaga. Hindi maaaring makukontento ka na lang na pinapakain at
pinaliliguan siya. Intindihin mo din sana
ang kanyang kalusugan.
Alalahanin mo, hindi siya makapagrereklamo na nahihirapan na
siyang huminga dahil sa labis mong paninigarilyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento