SABI sa aking
pagsasaliksik, maaawat ang mga teenager sa kanyang pagpapakamatay kung lagi
siyang gumagamit ng FB, Twitter at kung anu-ano pang social networking sites.
Wala naman ‘yang ginawa kundi mag-FB at mag-Twitter, ito ang
kalimitang reklamo ng mga magulang sa kanilang anak, sabay iling. Kung minsan
kasi dahil sa maghapon nilang pagbababad sa computer ay nakakalimutan na nilang
mag-aral mabuti. Kaya, kalimitan ay nagsisipagbabaan ang kanilang mga marka.
Ngunit, kahit ganoon, may kabutihan pa ring dulot ang pag-i-FB o pagtu-Twitter.
Sa pamamagitan kasi nito ay hindi na maiisipan pa teenager ang pagpapakamatay.
Alam na alam natin na ang sa pamamagitan ng social media
sites ay nagagawa nating mailabas ang galit at sama ng loob natin. Maging an
gating mga kabiguan. Sa pamamagitan noon ay mababawasan ang paghihirap ng
kalooban natin. Iyon nga lang kapag sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman
natin, hindi natin maiwasan na maisipan na tumalon na lamang sa tulay o kaya ay
mag-suicide.
Kung minsan kasi ay sobra tayong nagiging emosyonal.
Pakiramdam natin ay hindi na masosolusyunan pa ang ating problema. Kaya naman,
ibig na lang natin itong takasan. At kung minsan ay pagpapakamatay na lang ang
naiisip nating solusyon. Pero, sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa Ohio
state University, in Columbus, U.S.,, ang paggamit daw ng social media sites ay
nakakatulong para mabago ang isip ng teenagers na magpakamatay.
Dahil nga magagawa mong maisigaw sa Wall mo ang iyong
nararamdamang galit at sakit, at ang plano mong
pagkakamatay, siguradong marami ang magku-comment sa’yong post. Karamihan sa
mga ito ay magsasabing walang mangyayari kung sasayangin mo ang iyong buhay sa
isang walang kuwentang problema.
Ang karaniwan naman kasing problema ng teenagers ay
lovelife, financial at family problem,, kaya naman agad siyang mapapayuhan ng
friends niya sa mga social networking sites, sigurado na unti-unti siyang
makakaramdam ng paglilinaw ng isip. Kaya, makabubuti rin na naibubulalas ng
isang teenager ang kanyang nararamdaman. At least sa pamamagitan nito ay
malalaman natin na mayroon taong kapamilya o kaibigan na sobrang down na down.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento