MASAMA ang iyong pakiramdam, bakit pumasok ka? Ito ang
karaniwang tanong ng isang empleyado sa kanyang kasamahan.
“Okay na ako,” sasabihin naman niya sabay ngiti. Ibig niyang ipakita
sa kanyang kasamahan na okay na okay na siya kahit ang totoo ay nanlalata pa
siya.
Kapag nawala na ang ating lagnat, maaari na tayong maglaro o
magtrabaho, ito ang lagi nating sinasabi sa ating sarili. Kaya, naman madalas
tayo ay nabibinat. Ang lagnat na nawala ay bumabalik kapag pinuwersa natin ang ating sarili na
magtrabaho o maglaro. Siguro naman ay alam na natin ang kahihinatnan natin kung
babalikan tayo ng sakit ngunit may mga matitigas na ulo lang sa atin kaya
pinipiling magbakasakali na hindi mabibinat.
Ikaw, ganoon ka ba? May katigasan ng ulo?
Kung ikaw ay isang empleyado, hindi kita masisisi kung
nanaisin mong pumasok agad. Siyempre, ayaw mo ng mabawasan pa ang iyong
sasahurin. Nakahihinayang din naman kasing talaga. Sa mahal ng bilihin ngayon,
tiyak na kakapusin ka kung hindi ka magtitipid. Ngunit, makatitipid ka nga ba
kung pumasok ka agad kahit hindi pa okay ang iyong pakiramdam.
Hindi, ito ang sigaw ng mga dalubhasa. Bukod sa maaari ka
nang balikan ng lagnat, maaari ka pang makahawa.
Sa pagsasaliksik kasi ay napag-alaman kong kapag pinilit
mong pumasok o maglaro kahit hindi ka pa magaling, may tendensiya na makahawa
ka lamang.
Kaya naman, sinasabi ng mga mananaliksik sa University Pittsburgh , mas
makatitipid ang kompanya kung hahayaan na lamang nila ang empleyado na
magpahinga na lamang sa kanilang bahay.
Kung papasok pa kasi ang empleyado kahit masama pa ang
kanilang pakiramdam, may posibilidad na lumaganap lang ang virus sa paligid.
Kung mangyayari iyon, siguradong hindi lang ikaw ang magkakasakit.
O, nanaisin mo pa bang magkasakit? Ibig mo bang makahawa o
mahawahan?
Sabi ng mga espesyalista, maiging kapag nawala na ang iyong
lagnat ay saka ka pa lang bumilang ng 24 oras. Kapag nakapagpahinga ka na ng
husto, siguradong kinabukasan ay magiging masigla ka na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento