Biyernes, Agosto 9, 2013

LALAKING NAAKSIDENTE, NABUHAY

ANG iyong kasintahan ay iiwan ka kapag nagsawa siya sa’yo, ang iyong mga kaibigan ay tatalikuran ka kapag wala ka ng maibigay sa kanila. Masakit man tanggapin pero ito ang katotohanan. Samantalang ang ating pamilya ay ang mga taong hinding-hindi tayo tatalikuran sa oras ng ating paghihirap. Kahit pa sabihing sawang-sawa ka na sa kanila o kaya naman ay walang-wala kang pera.
Para ma-appreciate mo ang kahalagahan ng isang kapamilya, maigi siguro kung basahin mo ang artikulo na ito.
Ang 25 taong gulang na si Fu Xuepeng, Chinese, ay naaksidente sa motor. Ang kalahating bahagi ng kanyang katawan ay naparalize at hirap na hirap siyang huminga. Dahil sa kanyang kalagayan ay kailangan pa niyang gumamit ng ventilator. Kung hindi niya kasi gagawin iyon ay siguradong mapupugto ang kanyang hininga at hindi iyon mapapayagan ng kanyang pamilya.
Iyon nga lang, wala silang sapat na salapi para magawa nilang suportahan ang kanyang pangangailangan. Napakamahal naman kasi ng hospital fee kaya kung ikaw ay nagmula sa maralitang angkan siguradong lalo kang mamumulubi. Pero, sabi nga, lahat ng bagay ay nagagawan ng paraan lalo na’t ang nakataya ay ang iyong minamahal na kapamilya. Kaya naman naisipan ng kanyang pamilya na gumawa ng homemade ventilator.
Sa pamamagitan ng  homemade ventilador na ito ay nagawa ng madugtungan ng kanyng buhay. Dahil nga saw ala namang machine na tutulong sa pasyente, ang kanyang pamilya ang  kanyang pamilya ang walang sawang nagpa-pump ng oxygen upang magkaroon ng hangin ang kanyang kanyang baga. Sa loob ng limang taon ay hindi nagsawa ang kanyang pamilya sa ginagawa. At hindi umalis ang mga ito sa kanyang tabi. Nagsasalit-salitan ang mga ito sa pagpa-punt noon upang manatili ang kanyang buhay. Kung hindi kasi maipa-pump iyon sa loob ng 3 minuto ay siguradong mamamatay siya.
Dahil sa pagpapakita ng pagmamahal ng kanyang pamilya ay nagawa niyang maimulat ang kanyang mata pagkalipas nang limang taon.
O, magagawa mo ba ito sa’yong kapamilya?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...