MASARAP kumain! Ito
ang katotohanan na alam kong sasang-ayunan ng lahat lalo na ang matataks, short
for matatakaw (he-he-he)
Bagamat masarap kumain ay kailangan din naman nating awatin
an gating sarili na kumain nang kumain. Kung hindi kasi natin gagawin ito,
tiyak na mistulan tayong lobo na bigla na lamang lalaki. Bukod pa sa maaari
kang tumaba ng bonggang-bongga, maaari ka pang dapuan ng kung anu-anong karamdaman.
Nais mo bang mangyari ito sa’yo?
Kung kakain ka ng sobrang matamis maaari kang magkaroon ng
disbetes, kung lagi ka namang kakain ng maalat, pupuwedeng magkaroon ka ng
bato, kung parati kang iinom ng soda, magiging acidic ka, kung mahilig ka sa
taba, magkakaroon ka ng sakit sa puso at kung kahihiligan mo naman ang pagkain
ng maaanghang, tiyak magkakaroon ka ng almoranas.
Ibig mo bang magkaroon ka ng ganitong klaseng karamdaman?
Alam kong ‘of course not’ ang isasagot mo kaya naman maiging
magkaroon ka na ng disiplina sa’yong sarili. Ikaw din kasi ang magiging
kaawa-awa kung hahayaan mong maging habit mo ang labis na pagkain.
Very good ka sana
kung lagi kang mag-eehersisyo ngunit maaari kang mabigyan ng failing grades
kung pagkatapos mo namang kumain ay lalantak ka ng pagkain na sobrang
makasasama sa’yong health.
Kung ganoon kang klaseng tao, maigi siguro kung babasahin mo
ang artikulo na ito. Nakasisiguro kasi ako na labis itong makakatulong sa’yo.
Kahit na kasi mahilig kang kumain ay matutulungan ka ng gadget na ito.
Isang maliit na gadget na kahugis ng USB ang naimbento upang
matulungan kang makapag-diyeta. Ang kailangan mo lang gawin ay ikabit ito sa
power supply ng iyong ref. Kung madi-detect ng iyong ref na labis na ang iyong
pagkain ay hindi mo na ito magagawa pang buksan. Sa pamamagitan din nito ay
nalalaman kung nakailang hakbang ka sa isang araw, kung gaano kalayo ang iyong
nilakbay at kung ilang calories ba ang iyong natunaw.
O, hindi ba maganda ang gadget na ito na tinatawag na
fitbit?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento