Biyernes, Agosto 9, 2013

Positive thinker, nagkakaroon ng mas mahabang buhay

Positive thinker ka ba? If yes, may good news ako sa’yo. Sabi sa aking pagsasaliksik, magkakaroon ka ng mahabang buhay.
Sa mga nakaraan nating artikulo ay nasabi natin na ang mga taong madalas ma-stress ay maagang namamatay sanhi ng biglaang pagtaas ng kanyang presyon at atake sa puso samantalang ang tao naman na laging positibo sa buhay ay parating may magaan na pakiramdam. Anumang problema kasi ay hindi niya iniintindi. Pakiwari niya kapag ganoon ang kanyang ginawa, siya rin ang mahihirapan.
Saka mas magandang harapin ang anumang problema na may ngiti sa labi. Kaysa makaramdam ka ng takot, parati mong isipin na lahat ng suliranin ay masosolusyunan naman kaya hindi ka dapat mag-alala. Kaya, kung ikaw ay laging positibo, ngayon pa lang ay nais na kitang batiin. Ibig kasing sabihin nito ay magkakaroon ka ng mahabang buhay.
Sabi nga ng Clinical psychologist na si Eric Kim, na siyang namuno ng pag-aaral na isinagawa sa University of Michigan. “Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng positibong tingin sa buhay, maaaring mag-improve ang  iyong kalusugan at magkaroon ka ng mahabang buhay.”
Kung ang tao kasi ay positibo, hindi niya maiisip agad na malapit na siyang kunin ni Kamatayan kapag may sakit siyang naramdaman. Ang kanyang gagawin ay maghahagilap siya ng gamot para maging malakas siya pagkaraan. Kung may dinadala siyang mabigat na problema, hindi siya pinanghihinaan ng loob. Ang ginagawa niya ay maghahagilap siya ng solusyon.”
Ganoon naman talaga ang dapat, ‘di ba?
Sabi nga, lahat naman ng problema ay magagawa nating solusyunan. Basta huwag ka lang makaramdam ng pagsuko.
O, ikaw, paano mo harapin ang buhay?
Mas maigi kung lagi kang magiging positibo. Makakatulong ito para hindi ka makaramdam ng anuman stress. Kung minsan kasi kahit hindi naman ganoong pagod ang iyong isipan, hindi mo pa rin makuhang makapag-isip nang maayos dahil pirmi mong dinaram,dam ang problema. Sana ay pirmi mong tatandaan na wala namang problemang malulutas kung hindi ka maghahagilap ng solusyon.
O, nais mo bang magkaroon ng mahabang buhay?
Kungganu’n makabubuti kung lagi kang maging positibo. Hindi ka na mai-stress, siguradong hindi pa tatas ang iyong presyon at hindi ka aatakihin sa puso.







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...