Ayon sa aking
pagsasaliksik, kapag ang sanggol ay ipinanganak ng summer ay mayroong
posibilidad na hindi siya magkaroon ng ng multiple sclerosis.
Akala natin ay okay lang kahit anong buwan isinilang ang
ating anak. Ang importante ay ipinanganak siyang malusog at walang diperensiya.
Ngunit, paano nga ba natin matitiyak na wala siyang karamdaman? Sapat na nga ba
iyong umiiyak siya nang pagkalakas-lakas para matiyak mo na hindi siya magkakaroon
ng sakit?
Hindi ganu’n kasimple ‘yun! Ito ang iyong pakakatandaan.
Huwag mong iisipin na porke mukhang
malusog ang sanggol na iyong isinilang ay mananatili siyang healthy. Maaaring
sa pagdaan ng araw ay ma-develop ang kanyang karamdaman na tinaglay niya mula
pa nu’ng siya’y isinilang.
Ayon sa pag-aaral ng mga scientist sa Queen Mary na
matatagpuan sa University of London at University
of Oxford . Ang kalusugan
ng sanggol ay nakadepende sa buwan ng kanyang pagsilang.
Ang 100,000 mamamayan sa UK ay mayroong multiple sclerosis,
ang neurogical conditions na ito ay nagreresulta ng pagkakaroon ng diperensiya
sa central nervous system. Ibig sabihin ang taong magkakaroon nito ay
mahihirapang makipagkomunikasyon ang utak at iba pang bahagi ng katawan. Ibig
sabihin ay magkakaroon ng diperensiya ang kanyang paningin, masel, pandinig at
alaala. Sabi nga ang pagkakaroon ng ganitong karamdaman ay maaaring mamana at
depende rin sa kanyang kapaligiran. Kung ang sanggol ay isinilang ng taglamig,
maaari ngang ma-develop ang ganitong karamdaman sa kanyang pagtanda.
Kaya ayon sa pagsasaliksik, makabubuti talaga kung ang
sanggol na ating isisilang ay ipapanganak ng summer. Sa pamamagitan daw nito ay
malalayo sila sa ganitong karamdaman. Iyon nga lang, kapag sobra ang init naman,
maaari namang matuyuan ng pawis ang sanggol at mauwi siya sa pagkakaroon ng
pulmunya.
Gayunman, naniniwala ako na kapag ang isang ina ay
responsible, tiyak kong hindi niya hahayaan na magkaroon ng diprensiya ang
kanyang anak. Tag-araw man o taglamig. Ikaw, anong buwan ka isinilang?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento