Naku po, ang
pag-unat-unat pala bago mag-ehersisyo ay sanhi ng pananakit ng iyong kalamnan at mga buto, ani sa pagsasaliksik.
Kung nais mo talagang magkaroon ng kaakit-akit na
pangangatawan, kailangan talagang mag-ehersisyo ka nang maigi. Sabi nga, mas
epektibo ang iyong pagpapayat kung tatagal ka ng kalahating oras hanggang isang
oras kada araw. Ngunit, hindi naman lahat tao ay sanay na mag-ehersisyo. Ang
iba nga sa atin ay mas ini-ehersisyo ang bibig upang kumain nang kumain. Pero,
hindi naman lahat ng matataba ay gustong manatiling may mabigat na timbang.
Kaya naman pinipilit nilang mag-ehersisyo. Pero, bago nila gawin iyon ay
kinakailangan muna nilang mag-unat-unat. Sabi nga nila ay para mapaghandaan nila
ang mga ehersisyo na kanilang gagawin. Kalimitan kasi’y kakailanganin nilang
mag-jumping jack, sit-up, push-up at kung anu-ano pa.
O, nag-uunat-unat ka ba?
Bago mo ipagpatuloy sa’yong ginagawa, basahin mop muna itong
ating artikulo. Sa pamamagitan kasi nito ay mapagtatanto mo na hindi rin pala
maigi na mag-unat-unat ka muna bago sumabak sa tunay na pag-eehersisyo. Sabi
kasi ng mga mananaliksik, kapag ganito ang iyong ginagawa, magiging prone ka pa
sa mga injury.
Kapag kasi inuunat mo ng husto ang iyong katawan ay
nabibigla ang iyong muscle’s kaya nakakaramdam ka ng pananakit sa’yong kalamnan
kahit hindi ka pa nagsisimula talagang mag-ehersisyo. At dahil ilang sandali na
lamang ay mag-uumpisa ka ng mag-ehersisyo ay wala ka ng ibang pagpipilian kundi
ipagpatuloy ang iyong pag-eehersisyo.
Kungganoon, malaki ang tendensiya na sa halip na mapabuti
ang iyong pag-eehersisyo ay mas lalo pang lumala. Kung mag-uunat ka kasi ng
todo maaaring hindi mo masuportahan ng todo ang iyong balakang habang inuunat
mo ng bonggang bongga ang iyong binti. Sa pag-i-stretching mo rin ay hindi mo
halos mamalayan na parang nais nang humiwalay ng iyong braso sa’yong balikat
dahil masyado mo silang naunat.
O, nais mo bang magkaganito?
Kung ayaw mo, mabuti pang huwag kang mag-uunat bago ka
sumabak sa tunay na pag-eehersisyo dahil hindi mo masusoportahan ng husto ang
iyong katawan kung magpapabigla-bigla ka sa’yong pag-uunat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento