Linggo, Agosto 11, 2013

2 HANGGANG 3 TASANG KAPE LANG SA ISANG ARAW DAPAT PARA MAS HUMABA ANG BUHAY

NATUKLASAN ng mga scientist na ang pag-inom ng tatlong tasang kape kada araw ay nakapagpapahaba ng buhay.
Ang caffeine ay masama sa kalusugan ng isang tao, ito ang paniniwala ng marami. Totoo naman iyon ngunit kung ang caffeine o pag-inom ng kape ay sosobra, ito ang pahayag ng mga mananaliksik. Pero kung ang ibig mo ay tamang-tama lang sa’yong katawan, tatlong tasang kape lang ang inumin mo sa bawat araw.
Sabi nga ni Dr Neal Freedman, mula sa  National Cancer Institute na matatagpuan  sa  United States, ang pag-inom ng 2 hanggang  3 tasang kape ay makakatulong para humaba ang buhay ng tao. Kapag kasi ganitong karaming kape lang ang iyong iinumin ay hindi manganganib ang iyong kalusugan at malalayo ka sa mga posibleng dahilan kaya humihinto ang tibok ng puso ng isang tao. Sa tamang-tamang caffeine na tinatanggap ng iyong katawan, hindi ka mamamatay sa heart and respiratory disease, stroke, injuries, accidents, diabetes at infection.
Kaya kung nais mo na magkaroon ng mahaba-habang buhay, ay ganitong karaming kape lang ang iyong iinumin. Sabi pa sa aking pagsasaliksik, kung hindi lalagpas sa tatlong tasang kape ang iniinom mo sa isang araw ay madadagdagan pa ng 10 hanggang 15 porsiyento ang iyong buhay.
Sabi nga sa pagsasaliksik kung ikaw ay iinom pa ng 4 hanggang limang tasang kape sa isang araw ay maaaring mabawasan ng ilang taon ang iyong buhay. At kung ikaw ay iinom lagpas sa anim na tasang kape, maaaring mapaaga ang iyong kamatayan.
Hey, hindi ko naman layunin na takutin ka pero kailangan mo malaman na malaki ang posibilidad na mangyari ito. Alam natin na kapag nasobrahan sa pag-=inom ng kape ang isang tao ay maaari siyang maging nerbiyoso. Kungganoon ay magiging magugulatin siya kaya maaaring  maging lapitin ka ng aksidente. O kaya naman ay bigla na lamang manikip ang iyong dibdib.
Gugustuhin mo ba na mangyari ito?
Huwag naman sana at tiyak ko na hindi mo rin gustong mamaalam ng maaga sa mundo, lalo pa at marami kang mahal sa buhay na maiiwan. Kaya, huwag maging matigas ang ulo mo. Lahat ng bagay sa mundong ito ay may hangganan kaya huwag mong hayaan na magkaproblema ka sa’yong kalusugan.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...