OH my, dahil sa rare
kidney disorder ay kinakailangang uminom ng 20 litrong tubig ang 4 na taon
gulang na lalaki. Kung papalya siya sa kanyang pag-inom ay maaari maaari niya
itong ikamatay.
Si Dominic Webster, taga-Bolton, Manchester ay nagdurusa sa sakit na
nephrogenic diabetes insipidus. Ang mga taong may ganitong karamdaman ay
nakararamdam ng labis na pagkauhaw dahil sira ang kanyang water regulating
system.
Ayon kay Katie Webster, 28, agad na niyang napansin na
parang may mali
sa kanyang anak. Hindi lang niya matukoy kung ano. Gayunman, agad niya itong
dinala sa ospital para masuri. Sa una ay okay ang mga test na isinagawa sa
kanyang anak ngunit dahil sa sigurado siya na may problema nga ang kanyang anak
ay muli niya itong ipinasuri at sa huling scan nga nito ay nakita kung ano ang
problema. Mayroon itong nephrogenic diabetes insipidus. Iyon ang dahilan madalas
itong magkaroon ng lagnat, magsuka, irritable, nananakit ang ulo at madaling
mapagod.
Alam natin na ang mga bata ay malakas ang energy. Tila nga
walang kapaguran ito, kaya talagang magiging pansin-pansin ang kakaibang anyo ni Dominic kapag ito ay napapagod. Tila
kasi latang-lata na ito.
Sapagkat ang diabetes insipidus ay nagbibigay lamang ng
kaunting antidiuretic hormone (ADH) na pinu-produce n gating katawan,
kinakailangang makainom ng 20 litro’ng tubig ang taong mayroon nito. Dahil kasi
sa warak ang water regulating system ni Dominic, mababang-mababa ang tubig na
nasa kanyang katawan kaya’t kung hindi iyon mapapalitan ay maaaring siya ay
madehydrate.
Kamatayan ang kasunod kapag nangyari iyon at walang sinumang
magulang na gugustuhing mapahamak ang kanyang anak. Kaya naman, lahat ng paraan
ay ginawa ni Katie upang maisalba ang buhay ni Dominic. Bukod sa pag-inom ng 20
litro na tubig kada araw ay ma-maintain ang kanyang low salt diet upang hindi
na mamrublema pa ang kanyang kalusugan. Bagamat may solusyon naman ang kanyang
karamdaman, hindi dahilan iyon para makampante ang kanyang mga magulang. Dahil
kasi kidney ang problema ni Dominic, kailangan sa paglaki niya ay maoperahan
din siya sa kidney.
Hay, talagang mahirap magkasakit. Ngunit para sa mga magulang,
pakiramdam nila ay nilalamutak ang kanilang puso sa kaalamang naghihirap ang
kanilang anak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento