Miyerkules, Setyembre 4, 2013

Kahit 105 na, strong pa rin dahil sa bacon

AYON sa 105 na taong gulang na babae, ang pagkain ng bacon ay nakatutulong para magkaroon ng mahaba at masayang buhay.

Alam naman natin na lahat ng sobra ay makasasama sa ating kalusugan, kaya paulit-ulit na sinasabi ng doctor na hindi tama na laging kumain ng matataba. Sa pamamagitan kasi nito ay maaaring magkaroon ng ng cancer at sakit sa puso ang isang tao na labis ang pagkain nito.
Ngunit, kinontra naman iyon ng bida sa artikulo natin ngayon. Si Pearl Cantrell, mula sa Richland Springs, Texas, ay parating kumakain bacon. Araw-araw niya itong ginagawa ngunit hindi siya nagkakaroon ng karamdaman. Para nga sa kanya, ang labis niyang pagkain ng bacon ay dahilan kaya siya ay masaya at may mahabang buhay. Kaya naman, ini-encorage niya ang ibang tao na kumain ng bacon sa paniniwalang nakatutulong ito para maging happy ang kanilang buhay.
Bagamat marami ang nagsasabi na tila nagkataon lang iyon, malaki pa rin ang paniniwala n gating bida na ang pagkain ng bacon ay hindi masama sa ating katawan. Sabi niya, kung tunay na makasasama ito sa kalusugan ng tao ay hindi sana siya umabot sa edad na 105. Ang tanging kinakain lang niya kasi sa araw-araw ay bacon. Dahil sa paniniwala niyang iyon, maging ang kanyang mga apo ay sinasabi niyang kumain ng bacon.
Maraming eksperto ang hindi sumasang-ayon sa paniniwalang iyon ng matandang babae ngunit hindi na naman siya makontra. Bawat tao naman daw kasi ay may kanya-kanyang paniniwala. Marahil nga ay epektibo lang sa ating bida ang pagkain ng bacon. Sabi naman kasi sa pagsasaliksik, mas malaki ang tsansa na magkaroon ng cancer at sakit sa puso ang taong parating kumakain ng bacon kung ito ay mumurahin lamang.
Sa mahal ng bilihin ngayon, hindi na nanaisin pa ng ilan sa ating na bumili ng bacon na mula sa kilalang produkto. Mas nanaisin nila siyempre na maging wais. Kaya naman kahit na  mura lang iyon ay bibilhin na. Iyon nga lang dahil hindi iyon naidaan sa masusing proseso kaya naman may tendensiya na makakuha ng kung anu-anong sakit ang isang tao.
Sa kaso naman ng at ating bida ay sinisiguro niya na  mula sa kilalang produkto ang bacon na kanyang binibili. At naniniwala siya na iyon ang rason kaya naman hindi siya nagkaroon ng cancer at sakit sa puso kaya parati siyang kumakain noon o mas okay sabihin na araw-araw ang kanyang pagkain.

Ikaw, anong klaseng bacon ang madalas mong kainin? 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...