Miyerkules, Setyembre 4, 2013

Hindi lang sa Pinas kundi sa buong mundo… MGA AKSIDENTE KARANIWANG NAGAGANAP NG 8:29AM

AYON sa aking pagsasaliksik, ang aksidente ay madalas na maganap sa umaga at karaniwan ito ay nangyayari sa oras na 8:29 am.
Kaliwa’t kanan ang aksidenteng nangyayari sa ating paligid. Pakiwari nga natin minsan ay hindi na tayo makahinga sa sobrang kaba. Kasama lang natin ang isang tao kanina, tapos makalipas lamang ang ilang oras ay mababalitaan na lamang natin na naaksidente ito o ‘di kaya naman ay namatay.
Ang karaniwang aksidente ay nagaganap sa umaga, karaniwan ito ay nangyayari sa oras na  8:29:am. Sa aking pagsasaliksik ang oras na ito ay hindi lamang nakabase sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Ang dahilan kaya madalas na mangyari ang kung anu-anong aksidente sa oras na ito ay dahil napakaabala ng bawat kalye, ang mga tao ay nagmamadali. Hindi naman kaila sa atin na ang oras na ito ay an gang pagpasok natin sa opisina. Sa ibang bansa ay maaaring alas-nueve ang kanilang pasok kaya naman nagmamadali ang kanilang paghakbang o kaya naman ang kanilang pagmamaneho ay dahil sa ayaw nilang ma-late. Para kasi sa kanila ang bawat sentimo na kanilang kikitain ay napakahalaga kaya hinayang na hinayang silang ma-late. Sa Pilipinas naman, alas otso ang karaniwang pasok ng mga empleyado ngunit dahil likas na yata sa atin ang pagiging late ay sa oras na iyon lang tayo pumapasok. Dahil nga sa ayaw na natin na mabawasan pa ng malaki an gating sahod ay pakiramdam natin ay kailangan na nating maging super hero.
Iyon nga lang sa pagmamadali natin malaki ang posibilidad na tayo ay maaksidente. Kahit kasi may nakasulat na ‘bawal tumawid’ ay iyon pa ang gagawin natin. Kung minsan nga ay hindi na tayo nakapag-iisip pa ng tama, ang nais lamang natin ay makarating tao sa ating pupuntahan.
O, ikaw ba ay marami ng late sa’yong office?
Kung marami na ay kailangan mong tandaan na kailangang maging on time ka parati upang hindi ka na mabawasan pa ng kita. Kung ikaw ay gigising ng maaga at aalis sa bahay ng maaga, hindi mo na kailangan pang magmadali at mamalayo ka pa sa aksidente. Samantalang kung palagi kang late na maggayak, bawat kilos mo ay nagmamadali, malaki nga ang tendensiya na maaksidente ka.
Sayang, sana naman ang katagang ito ang pirmi nating iisipin. Kung lagi kasing late, liliit pa ang budget mo sa kinsenas dahil ikaw ay mababawasan ng sobra. Paano pa kaya kung madalas kang ma-late. Hah, talaga ngang gugustuhin mo na lang magmadali parati kahit alam mong late na late ka na.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...