Phobia ang tawag sa
takot na ating nararamdaman sa isang bagay o isang pangyayari. Sabihin man ng
isip natin na hindi natin kailangan na matakot, hindi natin magawang pigilan an
gating sarili. Maisip pa lang natin ang mga bagay na ating kinatatakutan tulad
ng gagamba o ahas, ay nanginginig na tayo. Pakiramdam natin ay nananayo na an
gating mga balahibo. Kaya naman kung makakaharap pa natin ang mga bagay na
ating kinatatakutan, natitiyak ko na mas magiging malala pa ang epekto nito sa
atin.
Sa aking pagsasaliksik tungkol sa mga bagay na
kinatatakutan, hindi ko maiwasan ang matigilan at mamangha sa kakaibang phobia
mayroon ang 34 taong gulang na si Claire Jones dahil ang bagay na kanyang
kinatatakutan ay ang pagkain ng mga nilulutong pagkain tulad ng karne, fried
chicken at kanin. Feeling kasi niya ay magkakasakit siya kapag kumain siya ng
mga iyon . Hayun tuloy, sa tuwing makikita niyang may nakahaing pagkain ay nakakaramdam na siya ng panic. Bawat
himaymay ng kanyang kalamnan ay nakakaramdam ng takot na hindi niya mawari kung
saan nanggagaling.
Maarte, iyon ang kalimitang naiisip ng mga tao na
nakakabatid ng kakaiba niyang takot. Ngunit, kahit naman ano ang sabihin sa
kanya ay hindi niya talaga makayang kumain ng
mga nilulutong pagkain. Pakiwai
nga niya ay bumabaligtad na ang kanyang sikmura kapag naaamoy niyang nagluluto
na ang kanyang ina o kapit-bahay. Kaya ang ginagawa niya ay tumatakbo na lang
siya sa kanyang silid upang hindi na lumala pa ang kanyang karamdaman. Pakiwari
niya talaga ay magkakasakit siya kapag ganu’ng pumapasok sa kanyang ilong ang
amoy ng niluluto.
Gayunman, hindi naman maaaring lumipas ang maghapon na wala
siyang kakainin dahil siguradong magkaka-ulcer siya. Kaya naman may
paborito rin siyang kinakain at ito ay ang jacket potatoes o patatas na
hindi binalatan. Inilalagay niya iyon sa salad at hinahaluan niya iyon ng cheese at coleslaw. Bukod sa ganu’n lang ang
kanyang kinakain ay iisang brand lang ang kinukuhanan niya ng patatas at
cheese. Kung malalasahan niya na ibang produkto iyon ay hindi na siya kakain
pa.
Kung sa palagay mo ay okay lamng na kumain siya ng ganu’ng
uri ng pagkain dahil mas lalo niyang nababantayan ang kanyang kalusugan, ay nagkakamali ka. Sabi nga, lahat
ng sobra ay masama lalo na sa kaso ni Claire na iyon lang ang alam na patatas o
jacket potatoes lang ang alam kainin. Dahil kasi sa kanyang mga kinakain ay
madali siyang pasukan ng impeksyon at mayroon din siyang anemia.
Kahit naman kasi paminsan-minsan ay kumakain din siya ng
tinapay, sausage at burger, hindi pa rin sapat iyon para siya’y magkaroon ng
napakalusog na katawan. Sabi ni Claire, ‘Nagsasawa na nga rin ako sa pagkain ng
jacket potatoes ngunit talagang hindi ko kaya na kumain ng ibang pagkain. Kaya
sa huli ay bumabalik din ako sa pagkain ng jacket potatoes.”At para nga raw
hindi siya magsawa sa patatas ay minsan ay nagbi-baked potato siya.
Ikaw, ano ang kinakain mo?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento