ANG pag-iyak ng baby
sa gabi ay dahilan kaya nagkakaroon ng broken marriages, ayon sa pagsasaliksik.
Alam na alam natin na ang bawat tao ay kailangan ng 5 hanggang
6 na oras na tulog, kaya naman kahit na abala tayo sa trabaho ay kailangan pa
rin nating huminto at matulog ng sapat. Kung hindi kasi natin gagawin ito ay
sigurado na makakaramdam tayo ng panlalata. Mawawalan din tayo ng gana na
kumilos kahit maraming tambak na trabaho sa ating harapan.
Sige nga, paano gagana ang iyong utak kung hindi sapat ang
tulog natin para makapag-isip tayo ng maayos?
Iyon nga lang, kahit na gustung-gusto mong matulog ng may
sapat na oras ay hindi mo magagawa kung may maliliit kang anak, partikular na
iyong mga baby ka pa lang. Kahit kasi madaling araw ay nagigising ito at bigla
na lamang pumapalahaw ng iyak. Siyempre, nararamdaman nitong nag-iisa lang ito
sa kuna o kaya naman ay nagugutom ito.
Bilang magulang ay kailangan mong tumayo at patahanin ang
iyong anak. Ngunit, kung minsan dahil pagod na pagod ang ina ay hindi na niya
magawa pang bumangon. O kaya naman kahit nagising na siya at hindi pa rin siya
tatayo. Gusto niya kasing hayaan ang kanyang mister na tumayo at ito naman ang
magpatahan sa kanilang anak.
Kung ganoon, sigurado ngang mapupuyat si mister at dahil nga
hindi siya nakatulog ng maayos ay magiging mainit ang ulo niya kinabukasan.
Tiyak din na hindi niya palalampasin na sitahin si misis kung bakit hindi ito
bumangon. At iyon na ang simula ng kanilang away.
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na maraming
mag-asawa ang naghihiwalay kapag ang kanilang anak ay parating umiiyak sa
madaling araw.
Sa pagsasaliksik ay napagtanto ng mga USD scientist na kapag
ang mag-asawa ay may maayos na tuloy ay hindi mag-aaway ng sobra. Kung mayroon
man silang hindi pinagkakasunduan ay magagawa nilang pag-usapan ng maayos.
O, nakakatulog ba kayong mag-asawa nang maayos?
Kung kaya rin lang kasi ng budget ng mag-asawa, makabubuti
kung mayroong yaya na mag-aalaga sa kanilang anak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento