Martes, Setyembre 3, 2013

EMPLEYADONG MASYADONG STRESS, SANHI NG PAGSU-SUICIDE

AYON sa eksperto, kaya raw maraming umiinom, nagdu-droga at nadi-depress ay dahil sa sobrang stress sa trabaho.  
Kung hindi dahil sa ating trabaho ay hindi tayo kakain ng tatlong beses sa isang araw at hindi natin magagawang ibigay sa ating pamilya ang kanilang pangangailangan. Ah, dapat talaga nating mahalin ng husto ang ating trabaho. Kung mayroon man tayong problemang nararanasan sa ating trabaho, kailangan nating maghagilap ng solusyon kung paano ‘yun malalagpasan. Baka kasi kapag hindi natin nagawa ang ating trabaho o kaya naman ay pumalpak tayo ay maaari tayong ma-suspend o ma-terminate.
Napakahirap maghanap ng trabaho at kung malalaman ng kompanya nang pag-a-apply-an mo na may masama kang record sa kompanyang iyong pinanggalingan, ay madi-decline o mari-reject lang ang application mo. Paano ka nga naman kasi pagkakatiwalaan kung marami kang nagawang kapalpakan sa pinanggalingan mong kumpanya.
Nakaka-stress talaga ang pagtatrabaho lalo na kung marami kang dapat gawin. O, hindi nga ba, parang napakahirap huminga kapag nakita mong patung-patong ang mga papeles na dapat mong tapusin. Nakaka-pressure, ‘di ba?
Kung ganu’n karami ang iyong trabaho ang iyong gagawin at alam mong imposible mong matapos sa opisina ay iuuwi mo pa ito sa bahay.
Kung minsan ay nahihirapan kang mag-concentrate sa’yong gawain kung wala kang ibang napaglilibangan. Sa puntong ito ay pumapasok ang pag-inom at pagdudroga. Umiinom ka bilang pakikisama sa’yong kasamahan at nagdu-droga ka naman kung kinakailangan mong magpuyat. Kung ikaw naman ay pumapalpak sa’yong mga gawain ay may tendensiya na labis kang ma-depress.
Sa akin ngang pagsasaliksik, ang numero unong problema ng tao ay ang kanyang trabaho. Mas dinadamdam kasi ng mga tao ang kanilang trabaho kaysa sa problema sa pera at kalusugan.
Kaya naman 6/10 na empleyado ang umiinom ng alak pagkatapos ng trabaho. Kalimitan kasi ay nagkakaroon sila ng problema at nais nilang makalimot.
Ikaw, nagpapa-stress ka bas a trabaho?
Kailangan mong malaman na kapag ang isang tao ay masyadong stress sa kanyang trabaho ay may tendensiya na magkaroon siya ng suicidal tendency. Pakiwari kasi nila ay wala na silang masusulingan pa kung sapin-sapin na ang kanilang problema.
Kaya, easy ka lang. Huwag kang masyadong sa’yong trabaho at baka kung ano ang maisipan mong gawin.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...