AYON sa pag-aaral,
ang pagti-text ay maaaring paraan para malaman mo kung ang isang tao ay
mai-stroke.
Nakabibiglang isipin na kahit na masigla ang isang tao,
hindi pa rin sapat ang dahilan na iyon para masabi mong siya ay magkakaroon
nang napakahabang buhay. Nakikita mo lang siyang masaya noong isang araw tapos
ngayon ay malalaman mong na-stroke na pala siya o kaya’y namatay na. Ang buhay
talaga natin ay parang babasaging kristal. Hindi mo alam kung kailan ka
mamamatay o magkakasakit kaya kung minsan kahit ano pa ang pag-iingat mo ay
mababalewala.
Pero, alam mo bang ang pagti-text pala ay nakatutulong para
malaman mo kung ang isang tao ay mai-stroke?
Kahit naman pinapaikli ang mga salita sa text ay
maiintindihan pa rin ito ng bumabasa dahil ang karaniwan lang namang inaalis na
salita ay ang ‘a’ at kung minsan ang for ay ginagawang ‘4’. Pero kung ang
salita ay halos hindi mo talaga maintindihan tulad ng ‘Tjhe Doctor nddds
a new bb,’ hindi mo talaga maiwasan ang mapaisip kung bakit ganoon ang mga
salita.
Nagti-trip ba siya?
Marahil, kung ang isang bata o teenager ang nag-text ay
ganito agad ang iyong iisipin ngunit kung ang nag-text ay may edad na at
propesyonal, siguradong mapapantastikuhan ka. Napakahirap naman kasing
intindihin kung bakit ganoon ang paraan ng kanyang pagti-text. Kaya ang
tendensiya ay personal mo siyang pupuntahan upang alamin ang kanyang kalagayan.
Kahit normal ang pagsasalita at pagkilos ng isang tao, ang
kanyang aksyon naman ay mahirap kontrolin. Kung nanginginig nga ang kamay ng
isang tao, talagang hindi siya makapagti-text nang maayos. At siguradong may
dahilan kung bakit siya nagkakaganoon.
Tulad na lamang ng 40 ayos na lalaki na ini-report sa Henry
Ford Hospital na matatagpuan sa Detroit, U.S. Pinagsuspetsahan din na
maaari siyang mai-stroke. Kahit naman kasi normal ang kanyang pagsasalita at
pagkilos ay halos hindi niya napapansin na magugulo ang salita niya sa kanyang
pagti-text. At napagtanto nga na siya ay mayroong acute ischemic
stroke, ibig sabihin ay mayroong namumuong dugo o may nakaharang sa daluyan ng
dugo upang makarating ito sa kanyang utak. Kaya naman marami siyang bagay na
hindi napapansin. Maaari kasing lumabo rin ang kanyang tingin at hindi niya
namamalayan ang mga panginginig na kanyang nararamdaman.
Ikaw, okay ka bang mag-text?
Kung sa palahay mo ay nakararamdam ka ng problema sa paraan
ng iyong pagti-text, kailangan mo na sigurong komunsulta sa manggagamot. Sa
pamamagitan nito ay baka hindi ka matulad sa mga tao na nakaranas na biglaang
ma-stroke.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento