Miyerkules, Setyembre 4, 2013

11 taong gulang hindi humihinto sa pagtawa

Sa Caernarfon, North Wales nagmula ang pinakamasayahing bata sa buong mundo, ayon sa aking pagsasaliksik.
Natural naman talaga sa isang bata ang maging masayahin, ngunit, kung minsan naman ay nakikita natin silang umiiyak at nahihirapan. Bahagi kasi ito ng kanilang paglaki. Sabi nga, ang mga batang nasasaktan ay natututo. Gayunman, hindi natin mapigilan ang mapangiti kapag nakikita natin na laging nakangiti ang isang bata o kaya naman ay panay ang kanyang paghalakhak. Mistulan kasing musika sa ating pandinig ang kanyang malutong na malutong na pagtawa.
Ang bias sa artikulo natin ngayon na si James Edgar, 11, ay parating nakangiti at tumatawa. Kung maririnig mo siya ay siguradong mahahawa ka sa kanyang pagtawa. Para kasing wala siyang sakit na nararamdaman. Ngunit, ang mga magulang naman niya ay mabigat ang dibdib kapag pinagmamasdan siya sa kanyang pagtawa. Paano naman kasi, hindi maipagkakaila ng tawa na iyon na ang kanilang anak ay may karamdaman. Sa pagsusuri kasi ay napagtanto na mayroon siyang Angelman syndrome.
Ang taong mayroong Angelman syndrome ay walang kakayahang magsalita at kahit paulit-ulit silang turuan ay hirap silang matuto. Kung mayroon mang advantage ang taong mayroong ganitong disorder ay iyong hindi siya nakakaramdam ng sakit. Kahit na nasaktan siya ay parang balewala lamang sa kanya. Basta hindi siya hihinto sa kanyang pagtawa at hindi mapapalis ang ngiti sa kanyang labi.  

Kaya naman kahit na laging masigla ang bata ay hindi magawang makaramdam ng lubos na kasiyahan ang kanyang mga magulang. Alam kasi nila na kaya ganoon ang kanilang anak ay dahil sa sakit na pinagdaraanan nito. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...