Martes, Setyembre 3, 2013

MGA EMPLEYADO, MADALING MAGKASAKIT

SABI sa bagong pag-aaral, apatnapung porsiyento ng office workers ay madaling magkasakit.
Bawal ang magkasakit! Ito ang kalimitang sinasabi ng mga magulang sa kanilang sarili. Gusto kasi nilang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak kaya naman lahat ng hirap ay kanilang titiis para kumita ng malaki. Sa pamamagitan nito ay magagawa nilang pag-aralin sa magandang eskuwelahan ang kanilang anak.
Ngunit, kailangan natin tandaan nakung ang cellphone ay nalu-lowbat, maaari ring manghina an gating katawan lalo na’t marami tayong trabaho. Ngunit, kung minsan ay hindi naman tayo nanghihina dahil lang sa tambak ang trabaho natin. Mas nakakaramdam ng panghihina ang mga nagtatrabaho kung marami silang iniisip. Ang kalimitan ngang pinuproblema ng mga nagtatrabaho ay kapag ang mga kasamahan niya ay incompetent o palpak sa trabaho, kung hindi binabayaran ang kanyang overtime at kung masyadong mataas ang tingin sa kanya ni bossing.
Hay, talaga ngang labis na mag-aalala ang isang empleyado kung alam niyang ang kasamahan niya sa trabaho ay madalas na pumalpak, siyempre, kapag nagkamali ito sa trabaho ay maaaring pati siya ay madamay. Alam naman natin na sa isang kompanya o departamento, ang bumubuo nito ay kinakailangang magtulung-tulong para maging maayos ang kanilang produkto.
Ngunit, bilang manggagawa na nagpapakahirap na magtrabaho ng lagpas sa kanyang oras o nag-u-overtime, dapat lamang na makakuha siya ng bayad para sa kanyang effort. Kung minsan kasi ay may mga employer na binabalewala ang effort na ipinapakita ng kanilang mga empleyado.
At kung minsan naman ay labis na natitensyon ang mga empleyado kapag nariyan na ang kanilang bossing. Siyempre, ang empleyado ay takot na pumalpak dahil maaarng ma-disappoint sa kanya ang kanyang boss.
Ah, ang labis na pag-aalala ay talagang makakaapekto sa kalusugan ng mga empleyado, kaya, naman sana ang mga bossing ay maging sensitive din sa pangangailangan ng kanyang empleyado. Hindi naman porke binabayaran niya ang araw nito ay maaari na niyang sigawan ang kanyang empleyado sa lahat ng oras na kanyang magustuhan. Kailangan din naman niyang alalahanin na hindi magiging matagumpay ang kanyang kompanya kung wala ang mga empleyado na nagpapakakuba para maibigay ang ‘the best’ niya sa kanilang pagtatrabaho.
Sana sa mga bossing na naririyan ay magkaroon din sila ng panahon na basahin ang artikulo na ito para naman, mabagbag ang kanilang kalooban para magkaideya sila kung paano labis na naghihirap ang kanilang mga empleyado.
Sabi nga ni Phil Sheridon ng recruitment firm Robert Half UK, na nagsagawa ng pagsasaliksik na ito. “Kahit na sinong empleyado ay makakaranas ng ganito”

Kaya kung ayaw mo na masyadong maapektuhan ang iyong kalusugan ay kailangan mo rin namang mag-relax. At kung ikaw naman ang bossing na may malambot na puso, ipadama mo naman sa’yong mga empleyado ang kanilang kahalagahan. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...