MAS malinaw ang mata
ng bata kapag naglalaro siya sa labas ng bahay kaysa iyong nakakulong lang siya
sa kanilang tahanan, ayon sa masusing pagsasaliksik.
Sabin g marami, mas maigi ng naglalaro lamang sa loob ng
tahanan ang isang bata kaysa naglalaro sa labas ng kanilang tahanan. Kung nasa
loob lang kasi ng tahanan ang isang bata, maaari silang malayo sa mga
aksidente.
Alam na alam natin na kapag nasa labas ng tahanan ang bata
ay makikipaghabulan siya sa kanyang mga kalaro, magbibisekleta sila o
magbabasketball. Dahil sa mga aksidente na hindi naman natin kayang pigilan,
maaaring mabagok ang ulo ng bata kapag na-out of balance siya o di kaya naman
ay maaari siyang mapilayan o magkaroon ng brain hemorrhage kapag nasagasan siya
o nabagok ang kanyang ulo.
O, nanaisin mo ba na magkaganito ang iyong anak.
Bagamat ayaw natin na mapahamak ang ating mga anak, hindi
naman natin sila mapipigilan sa gusto nilang gawin. Sabi nga, kapag hindi natin
hinayaan na makapagdesisyon an gating anak para sa kanyang sarili, hindi siya
magkakaroon ng paninindigan.
Teka, alam mo bang may kabutihan naman dulot ang paglalaro
sa labas. Sa akin ngang pagsasaliksik ay napagtanto ko na mas malinaw ang mata
ng bata kapag sila ay nasa labas ng bahay.
Ang lliwanag kasi na nagmumula sa araw ay nakakatulong upang
ang isang tao ay hindi makaranas ng short eyesightedness. Ang kondisyon na ito
ay nakukuha kapag masyadong naaabuso ang iyong mata, Sa panonood ng tv,
pagku-computer o pagbabasa na lang ng libro halimbawa.
Kung ang isang tao kasi ay parati na lang nasa loob ng
kanilang tahanan, ganito lang ang kanilang magagawa – magbasa, manood ng tv at
mag-computer. Samantalang ang mga batang naglalaro sa labas ng bahay ay malayo
ang natatanaw. Hindi pa kinakailangan na magdusa sa radiation ang kanilang
mata.
Kung ikaw ay magiging mapanuri. Sa panahong ito ay makikita
natin na marami ng mga bata ang nakasalamin. Paano’y mas nai-enjoy na nila ang
kung anu-anong gadgets na dahilan kaya lumalabo ang mata.
O, hindi ba nais mong magkaroon ng malinaw na mata ang iyong
anak hanggang sa kanyang paglaki?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento