SA aking
pagsasaliksik ay napag-alaman ko na kapag pinipilit ka palang mag-ehersisyo ay
nakatutulong ito para mabawasan ang iyong pag-aalala at depresyon.
Lahat naman ng tao ay dumaraan sa matitinding pagsubok kaya
hindi dapat na sumuko. May mga tao kasing tila nagpapadaig sa problema. Ibig
wakasan ang kanilang buhay dahil sa problemang kanilang pinagdaraanan.
Well, nakasasakit naman talaga ng ulo kung sunud-sunod ang
problema na darating sa’yong buhay. Parang napakahirap huminga kapag may mga
magsasabi na ‘bayaran mo nga ang utang mo’ o kaya naman ‘umalis ka na sa aking
bahay kung hindi ka makababayad ng upa’.
Bagamat, hindi naman talaga tamang sumuko sa anumang
problema, hindi pa rin natin magagawang masisi ang mga taong nagdedesisyon na
wakasan na lang ang kanilang buhay. Sa sobra kasing bigat ng nararamdaman nila
sa dibdib, dinadapuan sila ng matinding ag-aalala at depresyon na nagtutulak sa
kanila para magpakamatay.
O, masyado ka bang nag-aalala? Pakiramdam mo ba ay
nadi-depress ka na?
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang
pag-eehersisyo ay nakatutulong para mawala ang pag-aalala at depresyon na
narearamdaman ng isang tao. Ngunit, mas epektino ito kung ikaw ay pipilitin ng
isang tao na mag-ehersisyo.
Sabi nga ng mga scientist sa University of Colorado Boulder
sa US ,
kapag ang tao ay nararamdaman na napupuwersa siya na mag-ehersisyo ng
nai-eliminate ang kanyang sense of control. Sa pamamagitan noon ay maibabaling
niya rito ang kanyang pansin at hindi na niya gaanong mapagtutuunan ng pansin
ang kanyang problema.
Sa eskuwelahan ay laging napupuwersa ang mga estudyante na
mag-ehersisyo. Sa military school ay lagi rin silang pinag-eehersisyo.
O, hindi ba kapag may nagagalit sa’yo ay hindi mo na
mapagtutuunan ng pansin ang iyong problema. Naiinis ka dahil nagagalit siya
sa’yo.Dahil sa ayaw mo nang sigawan ka pa niya ay pinagbubuti mo na lang ang
iyong ginagawa.
O, mag-ehersisyo ka na para huwag ka na makaisip ng kung
ano.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento