AYON sa
pagsasaliksik, kapag ang sanggol ay tumitimbang ng mas mabigat sa 9lbs at mas
mababa sa 5lbs ay may malaking tsansa na magkaroon ng ‘autism’.
Kung ang isang tao ay mayroong autism ay nahihirapan siyang
makipag-communicate sa kanyang kapwa. Hindi porke mayroon kang ganitong
karamdaman ang isang tao, ay mayroon na rin siyang abnormal na hitsura. Posible
naman kasing normal ang kanyang hitsura pero hindi ang kanyang pag-iisip. Kahit ibig ng isang tao na
makipag-communicate sa kanyang kasamahan, kamag-anak o sa kanyang pamilya,
mahihirapan siyang gawin kung laging may pangamba sa kanyang utak at puso.
Tulad nga ng mga batang mayroong ganitong karamdaman.
Ikaw, sa palagay ba ay may posibilidad na magkaroon ka ng
ganitong karamdaman?
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang pagkakaroon
pala ng ganitong karamdaman ay maaaring may kinalaman sa timbang mo noong ikaw
ay ipinanganak.
Kaya raw maaaring magkaroon ng autism ang mga batang sobrang
bigat at sobrang gaan ang timbang, ay dahil kulang t sobra ang nutrisyon na
nakukuha ng kanyang katawan at utak.
Kung ang buntis ay walang gaanong kinakain ay talagang hindi
lubos ang talino na makukuha ng bata. Kung sobra-sobra naman ang matatamis na
kinakain ng ba ay tila malulunod pa rin ang fetus na nasa sinapupunan ng
kanyang ina.
Kaya bilang ina, kailangan mo rin pangalagaan ng husto ang
iyong anak na nasa sinapupunan mo. Huwag ka dapat magpalipas ng gutom at huwag
mong sobrahan ang pagkain dahil magiging resulta ito ng mental disorder ng
iyong anak.
O, hahayaan mo bang maging ganoon ang iyong baby?
Huwag naman sana
dahil kawawa naman siya sa kanyang paglaki. Biruin mo ay mahihirapan siyang
makipag-communicate sa kanyang kapwa.
Nanaisin mo bang mangyari iyon.
Habang nasa sinapupunan pa lang ang iyong anak, mas
makabubuti kung pangangalagaan mo na siya para maging okay ang kanyang mental
development.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento