Miyerkules, Setyembre 4, 2013

PAG-INOM NG SLEEPING PILLS, PAMPATALAS NG ISIPAN

AYON sa pag-aaral, ang  pag-inom ng sleeping pills ay nakatutulong para tumalas ang iyong memorya. 

Kung ang isang tao ay hindi makatulog, kailangan niyang mag-take ng sleeping pills upang agad siyang dalawin nang antok. Kaya, hindi dapat na sumobra ang pag-inom niya ng sleeping pills. Maaari niya kasing ikamatay iyon.
O, umiinom ka ban g sleeping pills?
Kung umiinom ka, kailangan mo ring malaman ang mabuting epekto nito sa’yong katawan. Sabi nga ng mga scientist, ang pag-inom dawn g sleeping pills ay makakatulong para magkaroon ka ng matalas na isipan.
Ayon kasi sa pagsasaliksik, ang mga sleeping pill na mayroong zolpidem ay nagpapatalas sa isipan o memorya ng isang tao kaya naman makatutulong ito sa mga taong mayroong Alzheimer's at dementia.
Kapag kasi natutulog ang tao ay naaapektuhan ang hippocampus, ito ang major component ng ating utak kung saan nakaimpak ang mga impormasyon tungkol sa  ating alaala. Kaya naman kapag mahimbing ang tulog ng tao at uminom siya ng sleeping pills na mayroong zolpidem ay sinuradong mari-refresh ang kanyang utak sa kanyang paggising.
Kaya naman ang mga estudyanteng, iinom ng sleeping pills ay maaaring magkaroon ng ng matalas na isipan kinabukasan. Kung mayroon siyang exam, maaaring hindi siya ma-mental block. Magkakaroon kasi siya ng matalas na isipan kaya naman siguradong bawat tanong sa kanyang exam o recitation ay magagawa niyang sagutin ng maayos basta mag-review lang siya ng husto bago siya matulog.
O, kailangan mo bang uminom ng sleeping pills?
Ngunit, bago ka uminom ng sleeping pills, kailangan mo muna siyempre komunsulta sa doctor. Baka kasi kapag kinaligtaan mo itong gawin ay magkaroon ito ng masamang epekto sa’yong katawan.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...