Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Alzheimer's. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Alzheimer's. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Agosto 7, 2014

RED MEAT, SANHI NG ALZHEIMER'S

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 



SARAP naman talaga, hindi natin mapigilang sabihin kapag nakita natin masarap ang ulam na nakahain sa hapag-kainan. O, hindi ba kung porkshop, beef steak o tapa ang ulam ay maganang-magana ang ating kain. Napakalinamnam kasi ng mga pagkain na ito kaya siguradong mapaparami ang kain mo lalo na’t mayroon kang unlimited rice sa kaldero n’yo.

Ngunit, bago ka kumain nang kumain diyan ng karne lalo na iyong tinatawag na red meat, kailangan mo munang basahin ang artikulo na ito. Ibig kasi kitang balaan. Kailangan mo kasing mapagtanto na ang labis na pagkain ng red meat tulad ng baboy, tapa at tupa ay makakasama sa’yong katawan. Hindi ka lang magkakaroon ng colon cancer sa labis na pagkain nito, maaari ka pang magkaroon ng  Alzheimer's.
Oh, hindi ba, sobrang nakakaawa ang mga taong mayroong Alzheimer's. Para kasing paralyzed ang iyong utak. Biro mo, kahit anong isip ang iyong gawin ay hindi mo maaalala pa ang isang bagay. Sa pamamagitan pa nito ay makakalimutan mo ang lahat ng masasayang alalala.
Sabi nga ng mga scientist, kapag daw masyadong maraming iron ang pagkain ng tao, maaaring ma-damage ang iyong utak.


Hindi mo ba napapansin na kapag kumakain ka ng maraming baboy ay nakakaramdam ka ng pananakit ng ulo? Ito an gang senyales na hindi na kaya pang tanggapin ng katawan mo ng labis na pagkain ng red meat.
Sabi nga ni Professor Bartzokis, ang sobrang pagkain ng red meat ay mistulang germs o tartar na sisira sa’yong alaala o utak. Ang amyloid plaques ay sinisira ang myelin, ito ay nasa iyong utak kaya naman kung palagi kang kumakain ng red meat ay makakaramdam ka ng pananakit ng ulo.
Kung minsan ay nagagawa mo pa nga itong balewalain, iniisip mo pa na kaya nananakit ang iyong ulo dahil sa rami ng iyong ginagawa at pakiramdam mo ay hindi ka nawawalan ng problema. Ngunit, kailangan mong tandaan na lahat ng pangyayari ay mayroon dahilan. Kaya kung madalas kang kumain ng red meat at palaging nananakit ang iyong ulo, makabubuti siguro kung magpapa-check up ka na. Kung hindi ka kikilos agad ay baka naman mahuli na ang lahat.
Ipasok mo itong mabuti sa malikhaing pag-iisip mo, lahat ng sobra ay masama.


Sabado, Oktubre 19, 2013

Hindi lang para sa may Alzheimer's… MINERAL WATER, PANLABAN SA PAGKAWALA NG ALAALA

KAHIT na mayroon kang Alzheimer's hindi pa rin mawawala ang iyong alaala kung araw-araw kang iinom ng mineral water, ayon sa pag-aaral. 
Napakaimportante ng tubig sa ating katawan, nagagawa kasi nitong malinis ang ating lalamunan kapag kumain tayo ng maalat, matamis, maasim o maanghang. Pero, alam mo bang hindi lang pantanggal ng lasa ang nagagawang tulong nito sa atin. Nagagawa rin nitong pagandahin ang aura. At para sa mga mayroong Alzheimer's, hindi nila basta-basta malilimutan ang kanilang nakaraan kung araw-araw silang iinom ng mineral water.
Napagtanto kasi ng mga British researchers na ang pag-inom ng silicon-rich mineral water ay nagawang pababain ang neurotoxin aluminium sa ating katawan. Ang aluminium kasi  ay maaaring maging dahilan upang magkaroon ng Alzheimer's ang isang tao. Bagamat hindi naman sinasabi na maaaring lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng Alzheimer's ay naobserbahan na ang pag-inom ng mineral water ay nakakatulong sa pasyente upang mapigilan ang kanilang paglimot.
Ang mga pasyente nga na sumailalim sa pag-aaral, sila ay ‘yung mga may Alzheimer's, umiinom ng isang litrong mineral water sa isang araw ay hindi naging makakalimutin. Marami pa rin siyang naaalala sa kanyang nakaraan.
Hindi namn siguro kaila sa’yo na kalimitan sa mga taong mayroong Alzheimer's ay madali ng makalimot. Kung minsan nga, maging ang mahahalagang tao sa kanilang buhay ay nakakalimutan din nila. Kaya naman napag-alaman na ang mineral water talaga ay makakatulong sa atin lalo na sa mga taong mayroong Alzheimer's.
O, ano, babalewalain mo pa ba ang pag-aaral na ito. Hindi kaya mas mabuting lagi kang uminom ng mineral water kahit na wala ka pang Alzheimer's? Malay mo, dahil dito ay madali mong maalala ang mga importanteng detalye sa’yong buhay.
Kung isa kang estudyante, hindi kaya maiging subukan mong uminom ng mineral water? Malay mo sa pamamagitan nito ay makakuha ka ng mataas na marka dahil hindi mo basta malilimutan ang iyong pinag-aralan.
O, iinom ka na ba lagi ng mineral water?






My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...