Narito po ang mga kakaibang artikulo na
aking nakalap. Sana
po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.
KAHIT hindi ka piloto, magagawa mo pa ring makapagpalipad ng helicopter. Iyon nga lang, remote control helicopter lang ang magagawa mong paliparin. Gayunpaman, sigurado akong makakaramdam ka rin ng kasiyahan kapag nagawa mong makapagpalipad ng remote control helicopter.
Ang mga piloto at ang may hawak ng remote control helicopter
ay kailangang maging maingat upang hindi bumagsak ang pinalipad nilang
helicopter. Kapag kasi nawalan sila ng control dito ay maaaring may mga buhay
na maaaring masawi.
Kung inaakala mo na wala namang buhay na mawawala dahil
nagpapalipad ka lang naman ng remote control helicopter, nagkakamali ka. Maaari
rin namang makadisgrasya ang laruan na ito. At ang nakakatakot pa, maaari kang
mamatay o makapatay kapag hindi mo ito nakontrol.
Huwag mong isipin na imposibleng mangyari iyon, dahil
nangyari na nga. Para mas maintindihan mo ang
aking sinasabi, kailangan mong basahin ng maigi ang artikulo na ito at
pagkaraan ay kailangan mo ng mag-ingat kung magpapalipad ka ng remote control
helicopter.
Hindi naman kasi lahat ng remote control helicopter sy puro
pambata. May mga big guys naman kasi na mahilig ding maglaro ng remote control
helicopter kaya may mga ganitong laruan
na gawa sa bakal. At ang nakakatakot pa ay sobra ang talim noon kaya naman kung
hindi mo magagawang kontrolin ang laruan na ito ay maaari kang matulad sa
tauhan sa artikulo natin ngayon.
Ang 19 taong gulang na si Roman Pirozek, taga-New York City,
ay nagpapalipad ng remote controlled helicopter sa Calvert Vaux Park na
matatagpuan sa Brooklyn, nang maganap ang hindi inaasahan. Nawalan siya ng
control sa helicopter. Sa halip kasi na maglanding iyon sa damuhan ay dumaan
iyon sa kanyang ulunan na naging dahilan para siya ay masawi. Ang elisi ng
remote controlled helicopter na iyon ay gawa sa bakal kaya naman ang talim noon
ay humiwa sa malaking parte ng kanyang ulo. At ang nakakapangilabot ay tumusok
pa ang elisi ng remote controlled helicopter sa ulo ni Roman kaya naman dahilan
iyon kaya’t agad siyang namatay.
O, kaya, kung maglalaro ka ng remote controlled helicopter,
mag-ingat ka. Huwag mong hayaang mangyari ulit sa’yo ang nangyari kay Roman
Pirozek.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento