Linggo, Agosto 10, 2014

Mga sinungaling na karelasyon… BUKING, KAPAG MATAGAL MAG-REPLY

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


AYON sa pagsasaliksik, mabubuking mo ang iyong asawa, BF o GF na nagsisinungaling siya sa’yo kapag matagal siyang mag-reply sa’yong text.
O, hindi ba, napakadali lang naman sumagot ng yes or no. Ngunit, para sa ibang tao, partikular na sa isang karelasyon, tila hirap na hirap siyang sagutin ang simpleng tanong. Ang rason, maari kang kapag sinagot niya ang iyong tanong ay maaaring magwakas ang inyong relasyon o kaya naman ay mabuking ka niyang mayroon kang ginagawang kalokohan.
Sabi ng marami, para raw malaman mo kung nagsasabi ng totoo ang isang tao ay titigan mo siya sa mga mata. Ngunit, paano naman kung hindi mo siya kaharap? Na ang komunikasyon lang ninyo ay text, paano mo malalaman kung nagsisinungaling siya? Sa artikulo na ito ay isinasaad na kapag matagal mag-reply ang iyong ka-text ay maaaring nagsisinungaling siya.

Sabi ng mga mananaliksik sa US, para ma-detect mo kung nagsisinungaling ang iyong ka-text, tingnan mo kung gaano siya ka-tagal mag-reply. Kung maaari nga raw ay bilangin mo ilang Segundo o minuto siya bago mag-reply.
Ang mga taong  walang itinatago, diretso kung sumagot, ngunit kapag mayroon siyang ipinagkakaila, sigurado na hindi pa siya makapagre-reply agad. Ang dahilan, nag-iisip pa sila ng sasabihin. Kailangan kasing piliin nila ang mga katagang bibigkasin sa text.
Kaya naman kung susuriin ninyo, kapag may gustong ilihim sa inyo ang iyong karelasyon ay hindi siya nagpapakita. Nagte-text lang siya para sabihin o magpaliwanag kung bakit hindi siya nakasipot sa inyong usapan. Napakahirap naman kasi kung ipapakita niya sa’yo ang kanyang mga mata, tiyak na mabubuking mo agad ang pagsisinungaling niya. Samantalang kung magti-text lang siya ay hindi mo siya mabubuking lalo na’t dire-diretso ang kanyang pagpapaliwanag.
Kaya naman, para malaman mo kung nagsasabi siya ng totoo o hindi, kailangan ay orasan mo kung gaano siya katagal mag-reply.
Sasabihin niyang lowbat siya o kaya nama walang load. Hah, huwag mong bilhin ang katwiran na ito. Kung talaga kasing gusto niyang ipaalam kung ano ang tunay na nangyari, gagawa agad siya ng dahilan para makapagpaliwanag. Siyempre, ang agad niyang iisipin ay hindi niya gusto na magduda ka sa kanya.
O, gaano ba katagal mag-reply sa text mo ang iyong ka-relasyon?


1 komento:

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...