ANG pagkakaroon ng anak ang importanteng bagay na kukompleto
sa dalawang taong nagmamahalan. Kaya
naman ang mag-asawang biniyayaan ng anak ay siguradong magiging happy sa
pagkakaroon ng baby.
Oh, hindi ba habang pinagmamasdan mo ang iyong anak, parang
gusto mong kumanta nang kumanta upang maging mahimbing ang kanyang tulog.
Dahil naman sa sabik na sabik si Tatay, Daddy o Papa sa
bagong dating na si baby, bumababa ang kanyang sex drive, kaya sana ay huwag
munang magdamdam si misis kung sa tingin niya ay nanlalamig ang kanyang mister.
Kung minsan kasi ay nakakaramdam siya ng panlalata dahil maaaring lumagpas ang
tatlong buwan na hindi siya ka ginagalaw ng iyong mister.
Huwag kang OA, ano? Hindi naman porke hindi ka ginagalaw ng
iyong mister ay hindi ka na niya mahal. Talaga lang dumadating ang point ng
isang lalaki partikular na ang mga bagong tatay na mawalan muna ng gana sa sex.
Ang gusto kasi niya ay maglaan muna ng panahon sa kanyang baby kaya huwag mo
muna iyon masyadong ipagdamdam, okay.
Ayon kasi sa aking pagsasaliksik, kaya bumababa ang libido
ni mister kapag bagong panganak ang kanyang misis ay dahil ang atensyon niya ay
natutuon muna sa kanyang misis na nanganak at sa sanggol na isinilang. Ang nais
kasi niya ay mabigyan muna ng magandang buhay ang kanyang mag-ina kaya naman
kontento na lang muna siya sa pag-yakap sa kanyang mag-ina at sa pag-aalaga sa
kanyang anak. Dahil sa stress, nakakalimutan muna niya ang tungkol sa sex.
Siyempre, kailangan niyang kumayod ng husto para maalagaan ang kanyang mag-ina.
O, misis, huwag ka magdamdam sa mister mo kung hindi ka muna
niya ‘pinagnanasaan’. Gayunman, kailangan mong isipin na hindi porke nawawalan
ng gana sa sex ang iyong mister ay gusto na niyang ipahiwatig na hindi ka na
niya mahal. Talaga lang dumadating sa isang tao na nag-iiba ang kanyang
priority lalo na’t nadadagdagan na ang kanyang responsibilidad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento