Lunes, Agosto 4, 2014

PAGLALAGAY NG TV AT COMPUTER SA KUWARTO, NAKAKABOBO!

AYON sa mga scientist, ang paglalagay daw ng computer at tv sa kuwarto ay kailangang ipagbawal, lalo na sa mga bata.

Sa pagsasaliksik kasi ay napatunayan na ang mga electronic devices ay nakakaistorbo sa ating pagtulog. Dahil daw dito ay maaaring magkaroon ng memory problem ang isang tao.
Alam naman natin na ang pagkakabisa ay napakaimportante sa mga bata. Kung hindi magagawang kabisaduhin ng bata ang kanilang aralin ay maaari silang mangamote sa kanilang exam at recitation. Ang ending, mabababa ang marka nila sa kanilang report card.
Alam naman natin na gumagana ng maayos ang ating utak kapag kumpleto tayo sa tulog. Kaya, kung mayroong computer at tv ang iyong anak sa kanyang silid, sure ako na maaari siyang magpuyat kahit ilang beses mo ng sinabi sa kanya na matulog na siya at mayroon pa siyang pasok bukas.
Ang rason ay hindi nila magawang makapag-concentrate sa kanilang pag-aaral dahil ang atensyon nila ay nakatutok sa panonood ng tv at pagku-computer kaya naman lagi silang puyat. Kung minsan kahit nakabukas naman ang kanilang libro at notebooks hindi pa rin sila nakapagku-concentrate.
Sabi pa nga ng mga mananaliksik sa University of Helsinki, ang mga batang mayroong tv at computer sa kanyang kuwarto ay hindi na rin nag-eehersisyo kaya naman karamihan sa kanila at matataba at madaling manlata. Aba, kailangan din naman nating hayaang maarawan an gating mga anak. Importante rin na matuto siyang makihalubilo sa kanyang mga kaedad. Sa pamamagitan kasi nito ay . matututo siyang makipagkapwa tao.
Kung mananatili lang na nakatitig ang iyong anak sa computer o tv, tiyak na mahihirapan na siyang alisin doon ang kanyang tingion. Kaya ang mahahalagang bagay na dapat niyang kaharapin ay hindi niya nabibigyan ng atensyon.
O, mayroon bang computer at tv ang iyong anak sa kuwarto?



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...