Miyerkules, Agosto 6, 2014

HEAVY BREAKFAST, MAKATUTULONG PARA MAKAIWAS SA SAKIT



Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.



NADISKUBRE ng mga scientist na ang pagkain ng heavy meal sa breakfast ay makatutulong para maiwasan mo ang magkaroong ng heart disease, diabetes, hypertension at  high cholesterol. Makatutulong din ito para hindi ka maging lumba-lumba.

Hindi lahat ng tao ay sanay kumain ng almusal, ako nga ay umiinom lang ng kape at kumakain ng isa o dalawang  pandesal. Para kasing babaligtad ang sikmura ko kapag kumakain ako ng almusal. Ang schedule kasi ng kain ko ay alas-nueve kaya sa oras na iyon pa lang ako kakain ng snack.
Dahil hindi ako nakapag-almusal, sobrang dami ang kakainin ko ng snack. Mayroon na akong softdrinks, may tinapay at sitsirya pa ako. Ang resulta tuloy ay sumisikip na ang damit ko. Feeling ko rin ay tumatawa na naman ako.
Hay naku, ang waistline ko nga ay napako na sa 35. Alam kong marami sa aking mga kapamilya, kamag-anak, kaibigan, kasamahan sa trabaho at kakilala ang kokontra sa aking sinabi, lalo na siyempre ang mga detractors ko pero wa akong paki. He-he-he. Basta, 35 lang ang waistline ko. Tapos.
Seriously speaking, ang pagkain pala ng heavy breakfast ay maraming advantages. Tulad nga ng sinabi ko, makatutulong na ito para maging slim ka, marami ka pang sakit na maiiwasan. Kung mayroon ka ng diabetes, bababa ang iyong sugar level.
Alam mo ba kung bakit? Heto nga, sasabihin ko kaya kailangang basahin mo ang artikulo na ito, okay. This is for your own good, okay?
Ito ay sinabi rin ng mga researcher na nagmula sa Tel Aviv University, kapag nabusog ka na sa almusal ay hindi mo na hahanapin pa na kumain ng kung-ano sa snack. Natural dahil busog ka na. Kaya okay lang kung kakain ka sa umaga ng sinangad, itlog, bacon, tapa, hotdog, pusit , isa…Ooppps, sobra naman yatang dami ang nasabi ko. Pero, sabi nga sa pagsasaliksik ko, mas maraming kinain ay mas mabuti dahil hindi ka na kakain ng mga pagkaing hindi naman talaga nakakabusog tulad nga ng mga sitsirya.
Kung ikaw ay may ulong kasing tigas ng ulo ko, wala na akong magagawa. Magkita-kita na lang tayo sa ospital. Ngunit, kung health conscious ka, siguradong hindi mo babalewalain ang artikulo na ito dahil talagang makakatulong ito sa’yo. Magkakaroon ka na ng magandang katawan, maiiwasan mo pa ang kung anu-anong sakit.
O, kakain ka na ba ng heavy breakfast?









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...