Miyerkules, Agosto 6, 2014

MGA MAY AUTISM, ADIK SA VIDEO GAMES


Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.


AYON sa pag-aaral, ang mga batang mayroong autism spectrum disorder ay mas madalas maglaro ng video games kaysa sa mga  batang normal.

Ang paglalaro ng video games ay talapagbibigay ng aliw sa atin, lalo na sa mga bata na nagpapalipas ng oras. Ngunit, ang lahat naman ng bagay na paulit-ulit na ginagawa ay nakakasawa rin naman. Kaya ang mga normal na bata ay madaling magsawa sa paglalaro ng video games. Ang mga karaniwang bata nga raw ay naglalaan lang ng 1.2 hours ngunit ang mga bata naman na mayroong autism ay doble ang oras na kanilang inilalaan sa paglalaro ng video games.
Alam mo ba ang dahilan?
Dahil daw ang mga mayroong autism ay hindi agad na nagsasawa sa paglalaro ng mga video games, sa palagay kasi nila ay nagagawa na nilang pasukin ang mundong ito. Kaya naman natututok ang kanilang atensyon dito.
Sa pag-aaral ni Christopher Engelhardt, mula sa University of Missouri ng Columbia, US, ay pinatunayan niya na ang mga batang mayroong autism spectrum disorder ay mas naglalaan ng mahabang oras sa paglalaro ng video games.
Sa masusing pagsasaliksik ay napagtanto  pa ang mga batang mayroong ganitong diprensiya ay mas nahihilig maglaro ng role playing games o ‘yung mga laro na marami ka pang bagay na tutuklasin gaya ng Super Mario at Pokemon. Samantalang ang mga normal namang tao ay may pinipiling laruin ang mga madadaling laro tulad ng Sports Game at Shooting Game.
Sa pagkakatanda ko noon, ang lalaking namaril sa Connecticut ay mayroon ding autism at kasalukuyan siyang naglalaro ng video game na mayroong barilan ng biglang magdilim ang kanyang isipan at pinagbabaril niya ang ilang guro at mga estudyante.
Oh, my Gosh! Pinapatunayan na nga ba nito na hindi natin dapat hayaan na laging nakatutok ang ating mga anak sa computer?
Kung ang mga anak kasi natin ay  hahayaan na laging nasa harap ng computer ay maaari nilang akalain na ang nangyayari sa computer ay maaari nilang akalain na isa iyong katotohanan. Tulad ng killer sa Connecticut, maaaring inakala niya na ang role playing game na kanyang nilalaro ay isang katotohanan kaya nagawa niya ang karahasan na iyon. Kaya naman kung ang anak mo ay mayroong autism, makabubuting huwag mo siyang hayaan na maglaro ng mararahas na game upang hindi na maulit sa ating bansa ang karahasan na nangyari nu’n sa America.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...