Huwebes, Agosto 7, 2014

Kumpara sa mga kababaihan… MGA LALAKI MADALING MATIGOK KAPAG NAGI-EXERCISE

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


KUMPARA sa mga kababaihan, mas  madaling matigok ang mga kalalakihan habang sila ay nag-eehersisyo.

‘Mag-exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga.’  Noong kabataan ko, ang kantang ito ang madalas kong marinig sa program ng mga paslit. Hindi ko na sasabihin kung anong programa iyon dahil sure na mabubuking pa ninyo ang edad ko. He-he-he.  Anyway, ang topic natin for today is about exercise. Hmmm, pero, hindi ko tatalakayin dito kung gaano kahalaga ang exercise. Alam na alam naman natin na ang pag-eehersisyo ay nakakatulong para gumanda ang ating katawan.
Sa artikulo ko lang ngayon, ibig kong magpasintabi sa mga taong tatamaan ng artikulo na ito, partikular na ang mga kalalakihan. Ito naman kasi ay ayon sa masusing pag-aaral. Gayunman, naniniwala ako na sa artikulo na ito ay maaari akong makapagbigay ng babala.
Ayon sa pag-aaral, ang mga kalalakihan ay inaatake sa puso habang sila ay nag-eehersisyo. Kahit nga sila ay atleta ay maaari pa rin silang maatake. Samantalang, kakapiranggot lang ang posibilidad na ang mga kababaihang atleta ay biglang aatakihin sa gitna ng kanilang pag-eehersisyo.
Bakit nga ba ganu’n?  tiyak na itatanong ng ilang.
Oh, huwag kang mainip dahil sa ilang sandali ay malalaman mo ang sagot. Siyempre, sa artikulong ito lamang. Ang aba ninyo kasing lingcod ay naghagilap ng sagot sa tanong na ito. Ako man kasi ay hindi maiwasan ang magtaka.
Ayon sa mga mananaliksik sa Paris Descartes University, ang mga kalalakihang namamatay sanhi ng atake sa puso habang nag-eehersisyo ay dahil masyado silang tutok sa kanilang ginagawa. Kahit nakakaramdam sila ng pagod ay hindi sila humihinto, ang nais kasi nila ay makarating agad sa finish line.
Dahil dito ay inatake sila sa puso. Ngunit, kailangan mong tandaan na hindi heart attack ang kanilang ikinamatay kundi cardiac arrest. Ang heart attack kasi’y bigla na lamang maninikip ang iyong dibdib samantalang ang cardiac arrest ay iyong biglang mawawalan ng hangin ang iyong puso dahil may magbabara sa dugo na dapat ay dumadaloy ng maayos patungo sa puso. Ito ay sanhi ng labis na pagod.
Kaya naman, importante rin ang pagpapahinga kapag nakakaramdam ka na ng pagod. Iyon nga lang, may mga lalaki na ayaw magpahinga lalo na kapag nasa contest sila, ang iniisip kasi nila ay ang trophy o medalya na kanilang makukuha kapag pumasok sila sa top 3 o kaya ay naging champion sila.
Ikaw, ano ba ang mas mahalaga sa’yo, ang karangalan o ang iyong buhay?






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...