Narito po ang mga kakaibang artikulo na
aking nakalap. Sana
po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.
AYAW nating ma-turn-off ang ating mga crush kaya lahat ng paraan ay gagawin natin para always smell good tayo. Iyon nga lang, hindi lang pabango ang solusyon para maging aprub palagi ang amoy. Mababalewala siyempre ang mamahalin nating pabango kung mayroon naman tayong B.O.
Yuck! Ito ang agad nating ibubulalas kapag naamoy natin na
mayroong masangsang na amoy ang ating crush. Siyempre, agad tayong mati-turn
off sa kanya. O, hindi ba nagkakagusto lang naman tayo sa tao dahil sa mga
positibo niyang katangian? Kaya kung makakakita tayo ng negative sa kanya,
malaki ang posibilidad na maglaho ang paghanga natin sa ating crush.
Kung hindi mo gusto ng malikhaing pa-iisip mo na ma-turn off sa’yo ang iyong crush,
dapat ay magkaroon ka ng proper hygiene. Kailangan ay lagi kang mabango. Maging
regular ang iyong paliligo. Kung alam mo na mayroon kang deadly BO.
Kailangan siguro kung gagamit ka ng
deodorant. Sa pamamagitan nito ay makokontol ang iyong nakaririmarim na amoy.
Sa panahon ngayon ay karaniwan na sa mga tao ang gumagamit
ng deodorant. Mapapropesyunal man o mapa-teenager, pinipiling magpahid o
mag-spray ng deodorant. Wala naman siyempreng tao na gustong pandirihan dahil
sa kanyang amoy. Ngunit, hindi naman lahat ng deodorant ay makapagdudulot ng kabutihan sa’yo. Maaari
ngang mababawasan nito ang amoy mo ngunit may disadvantage rin ito sa tao
partikular na sa mga teenager.
May mga deodorant
kasi na mayroong sobra-sobrang aerosol chemicals kaya naman kung ipapahid o ii-spray ito
sa’yong katawan, tiyak na makasasama ito sa’yong kalusugan. Maaari kang
magkaroon ng allergy , asthma at mahihirapan ka ring huminga. Ang tinatarget
nga nito ay ang puso.
Sabi nga ni Maureen Jenkins, director of clinical services
at Allergy, kaya marami ang mayroong asthma, rhinitis o eczema ay dahil sa
matapang na pabango.
Kaya naman kung gagamit ka ng deodorant, huwag masyadong
marami at baka hindi pa natatapos ang araw ay isugot ka na sa ospital dahil
nagkaroon ka ng allergy o hindi ka makahinga. Ang pananakit din ng ulo matapos
mag-spray o magpahid ng deodorant ay isang paraan para malaman mo na may
matinding kemikal ang deodorant na iyong ginagamit.
Kaya paalala sa mga teenager, huwag masyadong gagamit ng
deodorant.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento