Huwebes, Agosto 7, 2014

RED MEAT, SANHI NG ALZHEIMER'S

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 



SARAP naman talaga, hindi natin mapigilang sabihin kapag nakita natin masarap ang ulam na nakahain sa hapag-kainan. O, hindi ba kung porkshop, beef steak o tapa ang ulam ay maganang-magana ang ating kain. Napakalinamnam kasi ng mga pagkain na ito kaya siguradong mapaparami ang kain mo lalo na’t mayroon kang unlimited rice sa kaldero n’yo.

Ngunit, bago ka kumain nang kumain diyan ng karne lalo na iyong tinatawag na red meat, kailangan mo munang basahin ang artikulo na ito. Ibig kasi kitang balaan. Kailangan mo kasing mapagtanto na ang labis na pagkain ng red meat tulad ng baboy, tapa at tupa ay makakasama sa’yong katawan. Hindi ka lang magkakaroon ng colon cancer sa labis na pagkain nito, maaari ka pang magkaroon ng  Alzheimer's.
Oh, hindi ba, sobrang nakakaawa ang mga taong mayroong Alzheimer's. Para kasing paralyzed ang iyong utak. Biro mo, kahit anong isip ang iyong gawin ay hindi mo maaalala pa ang isang bagay. Sa pamamagitan pa nito ay makakalimutan mo ang lahat ng masasayang alalala.
Sabi nga ng mga scientist, kapag daw masyadong maraming iron ang pagkain ng tao, maaaring ma-damage ang iyong utak.


Hindi mo ba napapansin na kapag kumakain ka ng maraming baboy ay nakakaramdam ka ng pananakit ng ulo? Ito an gang senyales na hindi na kaya pang tanggapin ng katawan mo ng labis na pagkain ng red meat.
Sabi nga ni Professor Bartzokis, ang sobrang pagkain ng red meat ay mistulang germs o tartar na sisira sa’yong alaala o utak. Ang amyloid plaques ay sinisira ang myelin, ito ay nasa iyong utak kaya naman kung palagi kang kumakain ng red meat ay makakaramdam ka ng pananakit ng ulo.
Kung minsan ay nagagawa mo pa nga itong balewalain, iniisip mo pa na kaya nananakit ang iyong ulo dahil sa rami ng iyong ginagawa at pakiramdam mo ay hindi ka nawawalan ng problema. Ngunit, kailangan mong tandaan na lahat ng pangyayari ay mayroon dahilan. Kaya kung madalas kang kumain ng red meat at palaging nananakit ang iyong ulo, makabubuti siguro kung magpapa-check up ka na. Kung hindi ka kikilos agad ay baka naman mahuli na ang lahat.
Ipasok mo itong mabuti sa malikhaing pag-iisip mo, lahat ng sobra ay masama.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...