Mas matatalino ang
mga batang maagang natutong naglakad kaysa sa mga batang tinatawag na late
walker, say ng mga ekspert.
Ang maging magulang ang pinakamahirap na stage. Biruin mo,
kailangan mong maging mabuting magulang para lumaking may takot sa Diyos at
edukado ang iyong anak. Dahil din sa pagmamahal ng mga magulang sa kanilang
anak ay ayaw nila ito halos padapuan sa lamok dahil alam nila na maaaring
magkasakit ang kanilang anak. Alam na alam naman natin kasi na kapag sanggol pa
lang an gating anak ay hindi niya matutukoy kung ano ang masakit sa kanila,
kaya naman mistulan tayong manghuhula kapag umiiyak sila. Kaya naman kung
maaari nating hilahin ang oras ay ginawa n asana natin para lang malaman na
natin kung ano ba ang tumatakbo sa kanilang isipan.
Sa pagsapit nila ng anim na buwan ay nagagawa na nilang
tulkuyin kung ano ang gusto at ayaw nila, kaya naman nakakaramdam tayo ng tuwa
at ang susunod naman nating hihintayin ay ang kanilang paglakad.
Kahit na mistulang sinasakal ang puso ng mga magulang kapag
nagsisimula ng maghakbang ang kanilang anak, hindi pa rin nila mapigilan ang
makaramdam ng labis na kasiyahan. Biruin mo ba naman, nag-uumpisa ng
makahakbang ang kanilang baby. Ngunit, kung ating susuriin ay mapagtatanto
natin na hindi lahat ng toddler ay nakapaglalakad pagsapit nila ng siyam na
buwang gulang. Maaaring ang ilan sa kanila ay mapaaga pa, ang iba naman ay
mahuli pa.
Ang baby mo ba ay nakapaglalakad kaagad?
Ang mga magulang na mayroong anak na nakapaglalakad agad,
maaari kitang bigyan ng magandang balita. Sa akin kasing pagsasaliksik ay
napagtanto ko na mas matatalino ang mga paslit kapag nakapaglakad agad sila ng sakto sa buwan
o kaya ay mas maaga pa. Kabilang na rin kasi rito ang katapangan na kanilang
ipinapakita sa bago nilang kakayahan.
O, hindi ba, kapag ang tao ay may lakas ng loob ay magagawa
niyang makuha ang lahat ng kanilang maibigan. Ayon sa mga mananaliksik, ganu’n
ang dahilan kaya dapat magdiwang ang mga magulang ng toddler na nakapaglakad
agad. Siguradong mabilis silang matututo kapag nagsimula na silang mag-aral.
O, mabilis na bang maglakad ang iyong anak?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento