BASE sa pag-aaral, ang mga lalaking hindi magkaanak
ay nagkakaroon ng depresyon.
Mahirap man ang maging magulang, napakasarap sa pakiramdam
iyong makita mong mayroong silbi ang pagkatao mo dahil nagawa mo ring mabigyan
ng buhay ang isang sanggol. Nakagagaan sa pakiramdam kapag pinagmamasdan mo
silang ngumingiti, humahakbang at nagmamahal. Alam mo kasi na ang malaking
bahagi ng pagkatao mo ay nasa kanila.
Nakalulungkot lamang isipin na hindi lahat ng nilalang ay
hindi pinagkalooban ng pagkakataon na maging magulang. Mayroon diyan na kahit
may asawa ay hindi biniyayaan ng anak. Kung masakit ito para sa isang babae,
higit na masakit ito para sa lalaki, kaya sa pag-aaral ay napagtanto na mas
malaki ang tsansa na magkaroon ng matinding depresyon ang isang lalaking hindi
nagkaanak kaysa sa babaeng hindi nabuntis.
Walang silbi, iyon ng
pakiramdam ng lalaki kapag hindi niya nagawang magkaanak. Kaya naman hindi niya
nagagawang pigilan ang kanyang emosyon dahil sa matinding depresyon. Kung inyong susuriin ang lalaking hindi
nagkaanak ay mas nagiging seloso at magagalitin. Sa pamamagitan kasi nito,
pakiramdam nila ay mapagtatakpan ang kanilang mga kakulangan. Kaya kung inyong
susuriin, maramdamin din ang mga lalaking hindi magkaanak.
Ang mga matatandang dalaga ay okay lang na hindi sila
magkaanak dahil choice na nila iyon pero kung mayroon silang asawa, tiyak na
makakaramdam sila ng guilt kapag hindi nila nabigyan ng anak ang kanilang
mister. Ngunit, mas malaki pa rin ang epekto sa lalaki kapag hindi nila
nabigyan ng anak ang kanilang misis o kaya ay hindi sila nakabuntis.
Kung tayo ay magiging mapagmasid at madalas na makinig sa
balita, mapagtatanto natin na ang lalaking madalas na makagawa ng krimen ay iyong
mga mister na walang anak o hindi nabigyan ng anak ang kanilang misis. Mas
matindi pa nga ang kanilang pagiging seloso kapag ang kanilang misis o
girlfriend ay nagkaanak na.
Sabi nga ng malikhaing pag-iisip ng 60 anyos na si George, kapag wala kang anak o
apo, pakiramdam mo ay napakalaking bahagi ng buhay mo ang kulang. Para nga raw sa mga lalaki ay napakalaking kahihiyan
iyong hindi ka nakabuo ng anak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento