Biyernes, Agosto 9, 2013

TAONG LAGING HIGHBLOOD, NASISIRAAN NG BAIT!

Highblood ka na naman ba? Aba’y huwag naman! Sige ka, baka bigla ka na lang madala sa Mental Hospital. Napag-alaman ko kasi na ang taong laging HB ay nasisiraan ng bait.
Importante sa bawat empleyado, negosyante o kung sinuman ang oras ang oras. Sa isang minuto lang kasi ay maraming maaaring mangyari. Pupuwedeng mawalan ka ng napakahalagang transaksyon na magpapasok sa bank account mo ng kung ilang milyon at maaari rin namang sa pagkakahuli mo ay mawalan ka ng trabaho dahil hindi mo naisara ang napakalaking deal, kaya naman hindi natin maiwasan ang mairita kapag may kung anong humahadlang sa atin kapag hindi tayo nakakarating agad sa oras. At ang kauna-unahan nating inisisi sa laging pagka-late ay ang traffic.
Kung ikaw ay nagmamaneho, magagawa mo na lang pukpukin ng pagkalakas-lakas ang manibela o bumusina para lang maipaalam sa mga sasakyan na nasa unahan na ikaw ay nagmamadali. Iyon nga lang kakit na mamaos na ang iyong busina ay wala ka pa ring magagawa kundi maghintay lalo pa’t mayroong aksidente o nagra-rally sa’yong harapan. Kung ikaw naman ay nagku-commute lamang at nakita mong trapik, magagawa mo pang bumaba sa iyong sinasakyan na jeep, bus o tricycle para maglakad o tumakbo na lamang. Iyon na lang pagdating mo sa’yong destinasyon ay siguradong mainit ang ulo mo dahil basa ka ng pawis, nanlalagkit ka na o kaya naman ay masakit na masakit na ang ulo mo dahil sa init ng araw.
Relax, ito ang pinakamagandang salita na magagawa nating ibigay sa mga taong nag-uumpisa ng ma-highblood sanhi ng kung anu-anong problemang pinagdaanan niya sa araw na iyon.
Ikaw, madali ka bang mairita?
Kung sasabihin mong ‘oo’, makabubuti siguro kung babasahin mo ang artikulo na ito para naman ikaw ay aking mabalaan. Sa akin kasing pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang labis na pagkairita ay maaaring maging dahilan para ikaw ay magkadiprensiya sa isip pagdating ng araw. Ito ay base rin sa pag-aaral ng mga psychologist.
Sabi nga ni Susan Charles, professor ng psychology at social behavior na namuno sa pag-aaral, dalawang bagay lang ang maaaring kahinaynan ng taong laging iritado. Una, ang maging matatagsiya at makaya ang lahat ng pagsubok na dumarating at darating pa sa kanyang bukay. Ang pangalawa naman iyong magkakaroon tayo ng depresyon na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon natin ng diprensiya sa pag-iisip. At nakalulungkot isipin na karaniwan, ang negatibong epekto sa ating pag-iisip na dumadapo sa atin.
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang kalimitang dahilan ng araw-araw na iritasyon ay ang problema sa trapik. Sinusundan din ito problema sa lovelife at trabaho, iyong matagal na pagkakatayo at pag-upo.
Maaaring sa ngayon ay hindi mo pa makikita ang negatibong epekto ng parating galit o mainitin ang ulo, pero, sa pagkalipas ng sampung taon, maaari ng bumigat ang iyong katinuan.
O, gugustuhin mo pa bang mangyari iyon?
Kung hindi, kalma lang parati.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...