Ipinapakita ang mga post na may etiketa na autism. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na autism. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Agosto 6, 2014

MGA MAY AUTISM, ADIK SA VIDEO GAMES


Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.


AYON sa pag-aaral, ang mga batang mayroong autism spectrum disorder ay mas madalas maglaro ng video games kaysa sa mga  batang normal.

Ang paglalaro ng video games ay talapagbibigay ng aliw sa atin, lalo na sa mga bata na nagpapalipas ng oras. Ngunit, ang lahat naman ng bagay na paulit-ulit na ginagawa ay nakakasawa rin naman. Kaya ang mga normal na bata ay madaling magsawa sa paglalaro ng video games. Ang mga karaniwang bata nga raw ay naglalaan lang ng 1.2 hours ngunit ang mga bata naman na mayroong autism ay doble ang oras na kanilang inilalaan sa paglalaro ng video games.
Alam mo ba ang dahilan?
Dahil daw ang mga mayroong autism ay hindi agad na nagsasawa sa paglalaro ng mga video games, sa palagay kasi nila ay nagagawa na nilang pasukin ang mundong ito. Kaya naman natututok ang kanilang atensyon dito.
Sa pag-aaral ni Christopher Engelhardt, mula sa University of Missouri ng Columbia, US, ay pinatunayan niya na ang mga batang mayroong autism spectrum disorder ay mas naglalaan ng mahabang oras sa paglalaro ng video games.
Sa masusing pagsasaliksik ay napagtanto  pa ang mga batang mayroong ganitong diprensiya ay mas nahihilig maglaro ng role playing games o ‘yung mga laro na marami ka pang bagay na tutuklasin gaya ng Super Mario at Pokemon. Samantalang ang mga normal namang tao ay may pinipiling laruin ang mga madadaling laro tulad ng Sports Game at Shooting Game.
Sa pagkakatanda ko noon, ang lalaking namaril sa Connecticut ay mayroon ding autism at kasalukuyan siyang naglalaro ng video game na mayroong barilan ng biglang magdilim ang kanyang isipan at pinagbabaril niya ang ilang guro at mga estudyante.
Oh, my Gosh! Pinapatunayan na nga ba nito na hindi natin dapat hayaan na laging nakatutok ang ating mga anak sa computer?
Kung ang mga anak kasi natin ay  hahayaan na laging nasa harap ng computer ay maaari nilang akalain na ang nangyayari sa computer ay maaari nilang akalain na isa iyong katotohanan. Tulad ng killer sa Connecticut, maaaring inakala niya na ang role playing game na kanyang nilalaro ay isang katotohanan kaya nagawa niya ang karahasan na iyon. Kaya naman kung ang anak mo ay mayroong autism, makabubuting huwag mo siyang hayaan na maglaro ng mararahas na game upang hindi na maulit sa ating bansa ang karahasan na nangyari nu’n sa America.






Miyerkules, Setyembre 4, 2013

Kulang man o sobra sa timbang… Maaaring magkaroon ng autism sa kanyang paglaki

AYON sa pagsasaliksik, kapag ang sanggol ay tumitimbang ng mas mabigat sa 9lbs at mas mababa sa 5lbs ay may malaking tsansa na magkaroon ng ‘autism’.
Kung ang isang tao ay mayroong autism ay nahihirapan siyang makipag-communicate sa kanyang kapwa. Hindi porke mayroon kang ganitong karamdaman ang isang tao, ay mayroon na rin siyang abnormal na hitsura. Posible naman kasing normal ang kanyang hitsura pero hindi ang kanyang pag-iisip.  Kahit ibig ng isang tao na makipag-communicate sa kanyang kasamahan, kamag-anak o sa kanyang pamilya, mahihirapan siyang gawin kung laging may pangamba sa kanyang utak at puso. Tulad nga ng mga batang mayroong ganitong karamdaman.
Ikaw, sa palagay ba ay may posibilidad na magkaroon ka ng ganitong karamdaman?
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang pagkakaroon pala ng ganitong karamdaman ay maaaring may kinalaman sa timbang mo noong ikaw ay ipinanganak.
Kaya raw maaaring magkaroon ng autism ang mga batang sobrang bigat at sobrang gaan ang timbang, ay dahil kulang t sobra ang nutrisyon na nakukuha ng kanyang katawan at utak.
Kung ang buntis ay walang gaanong kinakain ay talagang hindi lubos ang talino na makukuha ng bata. Kung sobra-sobra naman ang matatamis na kinakain ng ba ay tila malulunod pa rin ang fetus na nasa sinapupunan ng kanyang ina.
Kaya bilang ina, kailangan mo rin pangalagaan ng husto ang iyong anak na nasa sinapupunan mo. Huwag ka dapat magpalipas ng gutom at huwag mong sobrahan ang pagkain dahil magiging resulta ito ng mental disorder ng iyong anak.
O, hahayaan mo bang maging ganoon ang iyong baby?
Huwag naman sana dahil kawawa naman siya sa kanyang paglaki. Biruin mo ay mahihirapan siyang makipag-communicate sa  kanyang kapwa.
Nanaisin mo bang mangyari iyon.
Sana ay huwag.
Habang nasa sinapupunan pa lang ang iyong anak, mas makabubuti kung pangangalagaan mo na siya para maging okay ang kanyang mental development.





My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...